Chapter 19

1858 Words
Iwinasiwas 'yon ng kanyang ina sa ere at bumuwelo para itaga sa kanya.Nag slomo ang lahat.Tila maging ang mga alikabok sa paligid ay nilingon sila kaya tumigil muna sa paglipad. "N..a...a...y.Hu..wa..aaa..aaa..aaag!" Sigaw ni Laiza.Bumaba mula sa ere ang kalawanging itak papunta sa direksyon niya at mabilis siya napa atras ng malakas siyang hinila ni Gregory. Nanlilisik ang mata ng ina na bumaling sa kanya nang makitang hindi siya natamaan. "Ay putang ina!Bakit ka umiiwas?!" Mabilis siyang nagreak at iniharang ang dalawang kamay sa harap ng nagwawalang matanda. "Nay,maghunos dili po kayo!" Habol niya ang hininga pero pinilit magsalita. "Magpapaliwanag po ako" Mas lalong tumalim ang mata nito. "At anong ipapaliwanag mo?!Ang kalandian mo?Lumayas ka sa sarili mong bahay para lang sumama sa tambay at walang kuwentang lalaki na iyan!" Nangunot yong noo niya at napakamot.Ano na naman kaya ang tsismis na nasagap ng ina.Lumipad yong mata niya kay Laiza na halata ding kinakabahan.Gusto niyang itanong dito kung napainom ba nito ng gamot yong matanda. "Relax ka lang nay.Ayokong ma stroke kayo ng dahil sa akin.Kalma" "At paano ako kakalma?!Ilang araw kitang pinaghahahanap na putang ina ka !At ngayon uuwi kang buntis dahil wala ng mapakain sayo iyang kalaguyo mo!" Nalukot yong mukha niya.Gusto niya ng lumubog sa kinakatayuan sa sobrang hiya kay Gregory. "Ano bang pinagsasabi mo nay?!" "At nag sama ka pa ng isa pang putang ina na palamunin dito sa bahay.Ano?!Dito yan magpapalaki ng bayag at sa akin pa hihingi ng pansigarilyo niya?" Napapikit ng mariin si Rhian at gusto niya ng pasakan ng tsinelas ang bunganga ng bastos na ginang. "Kapag nanganak ka magpapakalat kalat dyan sa kalye at matutulad din sayo.Yang walang kuwenta mong asawa mangbabae at iiwan kang losyang" Nagtinginan silang tatlo. "Kuuuh papunta palang kayo pabalik na ako." Senenyasahan niya si Laiza na hawakan na ang matanda at marami na itong script na nakukuha sa TV. Bahagyang kumalma yong matanda ng mahawakan ng nakababata niyang kapatid . Dahan dahan siyang lumingon sa lalaking kanina pa walang imik at natatakot siya sa magiging reaksyon nito sa lahat ng ito.Sinilip niya ang mukha nito sa kabila ng dilim at bahagyang matiim parin ang kabuuan nito.Walang reaksyon at matiim ang anyo.Not a good combination.Gusto niyang sabunutan ang sarili at magsising sinama sama pa ito sa kanilang bahay . "Bossing..puwede ba kitang ipakilala sa nanay ko?" Napangiwi siya ng tinignan siya nito ng masama na tila ba pagod na pagod na sa intermisyon nilang mag iina. Hinila niya ito,anyway.Kailangan nila ng tutulugan ngayong gabi kaya kailangan nitong makisama. "Uhmmm,nay,si Gregory po pala.Ahmm..yong..yong nakabuntis po s-sakin" Napalunok yong lalaki sa sinabi niya. Inirapan sila ng matanda na ngayo'y pinapaypayan na ni Laiza.Nasa labas parin sila ng bahay at hindi sila makakapasok hangga't walang basbas ang matanda. Kinurot niya sa tagiliran si Gregory at inutusan niyang tanggalin nito ang sumbrerong suot. Tinanggal nito ang cap na suot at iniabot ang kamay sa nanay niya. "Gregory" Malalim ang boses na sabi nito. Natulala ang dalawa na tila nakakita ng multo.Kumurap kurap pa ang ina para siguraduhin na totoong nilalang yong nasa harap nila.Nagkatinginan ang mga ito at sabay na sumigaw. "Afam!" Napahilamos siya sa mukha. "Ate makaka ahon na tayo sa hirap!" "Abay 'di mo sinabi na foreigner naman pala ang napangasawa mo eh." "Ang guwapo niya ate!Blue eyes!" Mas lalo siyang nahiya sa sinasabi ng dalawa.Kung kanina ay mainit ang ulo ng nanay niya ngayon ay parang nakakita ito ng anghel sa katauhan ni Gregory. "Magkaka apo na pala ako ng half Filipino-half american.Abay siguradong asul din ang mata ng apo ako" Muli siyang napangiwi.Nanatili namang walang imik ang lalaki sa kabila ng lahat.Nagsimulang kumidlat ulit at magiliw na silang pinapasok ng matanda.Hinila niya ang lalaki na stiff at wala paring pakialam sa loob ng kanilang bahay para makasilong mula sa lumalakas na ambon at inutusan si Laiza na takpan ng trapal yong magarang kotse para hindi pagkaguluhan bukas. Pumasok sila sa kuwatro aguas nilang bahay na semento.May tatlong kuwarto na ang dibisyon ay maninipis na plywood.May lumang kisame,maliit na kusina,at bukod sa upuang kawayan at tv wala ng makikitang ibang appliances.Pero malinis ang kanilang bahay at walang kahit anong alikabok dahil hikain si Laiza. Tila lumiit yong bahay nila ng makapasok si Gregory dahil sa sobrang tangkad nito at tila dumilim yong paligid dahil nahigop nito yong yellowish na natitirang liwanag na dala ng ilaw.Ganon kalakas yong dating ng lalaki.Agad itong pinaupo ng ina sa kawayang upuan at inabutan ng bagong labang tuwalya para makapag punas ng ulo.Agad na nagtimpla si Laiza ng kape. Gusto niyang murahin yong dalawa. "Do you drenk koppi?" Nakangiting saad ng ina sa lalaki.Tudo estimar at mukha na itong mayordoma. Matipid lang itong tumango. Agad na inabot ni Laiza ang itim na kape na may kasama pang nilagang kamote. "You it now" "What's that?" Ani Greg na ang tingin ay nasa kulay violet na prutas sa maliit na lamesa. Nagkatinginan silang tatlo. "Kamote yan.Huwag kang mag aalala nakakain yan at walang lason" Sagot niya.Napanganga siya ng kumuha yong lalaki ng isa at kumagat doon. Si Gregory kumakain ng kamote! Napatango tango ito at tila natuwa sa lasa.Napapalakpak naman si Laiza at si Riza. Akmang magtatanong pa ang matanda pero hinila niya na ito para igiya sa kuwarto.Pagod na si Gregory at pagod na rin siya.Masyado ng mahaba ang gabi.Baka puwedeng bukas nalang sila magtsismisan. Nagtataka ang matanda ng hinila niya ito sa kuwarto. "Pagod na ho si afam nay,maliligo pa po kami at gusto narin naming magpahinga." Ngumiti ito ng matamis at muling sumilip sa guwapong lalaki. "Ikaw Rhian,hindi mo naman sinabing foreigner pala ang mga gusto mo.Ano malaki ba?" Pagod siyang napatingin sa langit. Itinulak niya yong ina hanggang sa makaupo ito sa kama. "Pasensya na nay .Ipapaliwanag ko po ang lahat pero huwag po muna kayong magtatanong.Huwag muna" Seryoso niyang sabi dito.Nabura din ang ngiti nito at tumango.Niyakap niya ang ginang at tsaka hinila ang malaking karton sa ilalim ng kama nito na damit ng yumao nilang ama.Inuunahan niya ng mabango at amoy downy iyon.Kumuha siya ng basketball shorts at puting t shirt para may maisuot si Gregory. "Maliligo po muna kami nay" "Oh sige,huwag mo pabayaan tatay ng apo ko para dika hiwalayan" Inirapan niya yong matanda. Lumabas siya ulit at nakita niyang kumakain na ulit yong lalaki ng kamote. "Laiza,malinis ba yong cr?May tubig ba?" Alanganing ibinalik ng kapatid ang tingin sa kanya.Confident naman siyang malinis iyon dahil ipinatiles niya iyon nakaraang taon nang minsang mag loan siya sa sss. "Wala pong tubig ate at hindi po ako nakapag igib kanina.Pundido din yong ilaw" Wala paman ay pakiramdam niya napagod siya ulit.Kailan ba matatapos ang gabing ito? Pinilit niyang nginitian yong kapatid. "Okay lang sa balon nalang kami maliligo.Matulog ka na" Matamis na ngumiti ang nakakabatang kapatid at nilingon pa nito si Gregory na sarap na sarap sa kamote bago pumasok sa sarili nitong silid. Inabot niya sa lalaki yong damit. "Bossing kailangan nating lumabas at maligo sa balon" Nangunot ang noo nito.Kainis,kahit haggard at pagod sila pareho ay guwapo parin at fresh ang hinayupak.Para itong batang kumakain ng kamote at napapangiti siya sa hitsura nito. Nang matapos itong kumain hinila niya ito sa likod para pumunta sa balon hindi kalayuan sa bahay nila.May dala lang siyang flashlight para makita ang paligid.May maliit na sementadong pabilog at doon sila pumuwesto. Agad niyang ibinaba ang timbang pansalok sa balon at hinila iyon pataas.Namangha ang lalaki ng meron na iyong lamang tubig.Pinakatitigan nito yong timba na tila nagtatanong kung malinis iyon.Inihaon niya yong timba at binuhos ang laman sa isa pang timba. "Magtipid ka sa tubig kasi mabigat mag igib.Pagkatapos ng isang buhos mag shampoo at magsabon ka na agad.Ako wisik wisik nalang at tsaka ako magrerexona." Muli niyang ibinaba yong timba pero inagaw sa kanya ni Gregory yong tali nong hihilain niya na naman pabalik. "I'll do it for you.Maligo ka na" Ay gentleman naman pala.Suot niya parin ang t shirt at boxer brief nito na ang dami ng pinagdaanan kaya talagang maliligo siya. Sumalok siya sa tabo at itinapon ang unang buhos. "Bakit mo tinapon?" "Sabi kasi nila ,unang buhos lang ang malamig.Kaya tinatapon ko muna at sa pangalawang buhos ako nagsisimula" He gave her a deadpan look. Hindi niya pinansin ang lalaki at nagsimula ng maligo habang ito naman ay patuloy na naglalagay ng tubig sa timba. "Ang lamig" Nagshampoo siya at nagsabon.Titig na titig sa kanya yong lalaki at hindi niya namalayan na bakat na bakat na pala yong mga u***g niya sa suot niyang T shirt.Natakam yong lalaki sa hitsura niya. Tumalikod siya dito at pinagpatuloy ang pagsasabon.Sa hitsura ni Gregory parang gusto nitong paliguan siya pero hindi siya papayag dahil nasa open area sila at nasa gitna ng kahabahayan. Natapos siya sa paligo,at ito naman ang inutusan niyang maligo at siya naman ang sasalok ng tubig.Hinubad ng lalaki yong T shirt at ito naman ang nagbuhos.Hindi siya kumurap at pinakatitigan kong paano sabunan ng lalaki ang mapipintig nitong abs at muscles ng safe guard na pink. "Ang sarap shet" Binitawan niya yong timba at kinuha niya yong shampoo.Inutusan niya yong lalaking lumapit sa kanya .Sumunod ito at shinampoohan niya ito sa ulo.Bahagya itong yumuko.Tuwang tuwa siya dahil hinayaan siya nito na gawin iyon. Maya mayay hinapit siya nito palapit at ibinigay sa kanya yong sabon.Iginiya nito yong palad niya sa katawAn nito at ipinagpatuloy niya ang pagsasabon doon. Napahinga ito ng malalim habang naglalakbay ang mga kamay niya sa katawan nito.Walang ibang saksi sa kanila kundi ang sinag ng buwan at ang lumalakas na namang ulan. Napapikit yong lalaki ng mas bumaba yong sabon sa tiyan hanggang sa mga puson nito. "f**k Rhian" Napapasong binawi niya yong kamay bago pa sila mag milagro sa open space at hindi naman siya exhibitionist. Sumalok siya ulit ng tubig at siya na mismo ang nagbanlaw sa lalaki.Hindi na ito nagsalita pero nakikita niyang naeenjoy nito ang bagong experience na makaligo sa balon. Agad niyang ibinalot sa tuwalya ang bagong ligong si Gregory at hinila na ulit papasok sa bahay.Nagpilitan pa sila na isuot nito yong damit ng namatay niyang ama at amoy downy nga iyon. Nang makapagsepilyo,inayos niya yong kanyang maliit na kama at naglabas ng bagong kumot.Problemado pa siya kung paano sila magkakasya ni Gregory sa maliit na kama pero kung wala namang gagalaw ay kasya naman.Walang gustong matulog sa sahig at dito kahit paano may kutson. Tinititigan siya ng lalaki habang inaayos ang higaan nila.Nagsuot siya ng simpleng pajama at t shirt.Humiga na siya doon at damang dama niya yong pagod sa maghapon ng lumapat ang likod sa kama. Niyaya niya yong lalaki na humiga na doon at patayin narin nito yong kukurap na ilaw ng makapag pahinga na sila. Humiga ito sa tabi niya at tila automatic na pumulupot ang kamay nito sa kanyang bewang at ipinaunan siya nito sa kaniyang braso. Malakas ang kidlat at kulog at patuloy parin ang pag ulan sa labas.Nakayakap patagilid sa kanya si Gregory at damang dama niya yong init ng lalaki. Maya maya pay isang bagay ang ibinulong nito sa kanya. "Face me Rhian.I wanna suck your breast" Napairap siya sa hangin.Mukhang hindi pa siya makakapagpahinga. -------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD