"Si Gregory asaan?" Mainit ang ulo na tanong niya sa kapatid.Pagkatapos maligo at magbihis paikang ikang siyang hinanap yong lalaki. "Nasa bodega mo ate,kanina pa siya doon " Hindi niya alam kung anong mararamdaman.Nalilito siya.Anyway,pinuntahan niya si Gregory sa bodega ng makapag usap sila dahil wala naman itong balak kausapin siya.Magtatanghalian na at parehas din silang wala pang kain.Pagkatapos ng nangyari sa kanila kagabi ay hindi na ito nagpakita sa kanya. At nasasaktan siya dahil doon.Mukhang wala lang dito yong kagabi.Naiinis na siya sa sarili dahil sinabi niya na ngang hindi aasa pero ito na naman siya. Dahan dahan ang lakad na nagpunta siya doon at marahas na binuksan ang pintuan.Agad na pumasok ang liwanag at nakita niya ang lalaking nakasiksik sa gilid ng tokador at naka

