Chapter 34

1564 Words

PEACHY DAHAN-DAHAN KONG IMINULAT ang aking mga mata at napangiwi nang maramdaman ko ang kirot sa aking buong katawan. Feeling ko ay nagkaroon ako ng muscles cramp sa iba't ibang parte ng katawan ko. Madilim ang paligid kaya nahihirapan akong alamin kung nasaan ako, ngunit isang bagay lamang ang aking nasisiguro, hindi nakatali ang aking mga kamay at binti. Huminga muna ako nang malalim upang pakalmahin ang aking sarili nang sa gayon ay makapag-isip ako nang maayos. “Anong lugar ito?” tanong ko sa aking sarili nang bahagya na akong kumalma. Pinilit kong tumayo kahit tila ba nahihilo pa ako saka inilibot muli ang aking tingin pero wala talaga akong maaninag kahit na kaunting liwanag. Naglakad ako na nakaunat ang dalawang braso sa harapan upang kapain kung nasaan ang pader. Nakaka-ilang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD