PEACHY TAHIMIK LAMANG AKONG nakaupo sa kama habang si Raegan ay prenteng nakatayo na nakatitig sa harapan ng mga litratong nakadikit sa corkboard. Hindi pa ako pumapayag sa kaniyang kondisyon pero mukhang wala rin naman siyang pakialam, oo o hindi man ang isagot ko sa kaniya. “So, sino ang mga suspects mo? Maliban sa akin?” saad ni Raegan saka humarap sa akin. Tumayo naman ako at lumapit sa corkboard. “No one.” His forehead furrowed. “No one? As in, ako lang?” Tumango ako at ngumiwi. “Ikaw lang ang alam kong maaaring gumawa niyon—” “That's very judgmental of you, Miss Gallego,” nakataas ang kilay niyang sabi na para bang hindi makapaniwala. “Kira was one of the good students in my class, I don't have any reason to hurt her.” Natahimik naman ako sa kaniyang sinabi dahil kahit siya an

