Chapter 43 “Nasaan si Ma’am mo?” Kakaakyat ko lang sa condo ni Gabriel pagkatapos kong ihatid si Ana sa kwarto pero pagkatingin ko sa CCTV, wala na siya sa kama. Agad akong bumaba at ginising si Rachelle. Anong oras na? Nasaan na siya? Natingnan ko na ang buong bahay pero wala siya. Pupungas pungas na lumabas ng kwarto si Rachelle at tiningnan ako ng masama. Mukhang hindi maganda ang gising niya. “Natutulog?” Unsure na sabi niya at lalong nag init ang ulo ko. Umakyat lang ako saglit at nag CR tapos pagkatingin ko wala na siya? Paano kung tumalon siya sa veranda! “Wala siya sa kwarto, wala siya sa buong bahay.” “Hindi ko alam.” Iritable ang boses ni Rachelle. “Bakit hindi mo alam?” Pero hindi na nakasagot pa si Rachelle dahil narinig namin ang pagbukas ng screen door. Saglit ako

