I'm Doomed

1529 Words
Chapter 10 I immediately closed the door the moment we’re inside. Hawak ko pa din ang braso niya at panay ang palag niya pero lalo ko lang hinihigpitan ang hawak ko sa kanya. “Paeng…ano ang gagawin mo?” Nanlalaki ang mga mata niya na parang takot na takot. Aba, may kinatatakutan naman pala ang babaeng to.  “Tumahimik ka!” Pasigaw na sabi ko sa kanya. She flinched and I grinned. I didn’t even attempt to hide it from her. Astig ka ha! Tingnan natin kung hanggang saan ang kaastigan mo. “Bakit mo ako dinala sa kwarto mo? Ano ang gagawin natin dito?” Nanginginig ang boses niya. Gusto kong tumawa ng malakas. Natitinag din pala ang tapang ng babaeng ito.  “Wag kang mag alala, masasarapan ka naman sa gagawin natin. I will make sure that you will enjoy every moment of it.” Ngumiti ako sa kanya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.  “Paeng…Paeng…sorry na. Hindi na ako magmamaldita sa’yo. Gagawin ko na ang lahat ng gusto mo. Magbebehave na ako.” Talaga lang ha! Siyempre hidni ako naniwala sa kanya.  “Ayan naman pala eh, gagawin mo naman pala ang lahat. Bakit ang dami mo pang sinasabi ngayon?” “Kasi hindi pa ako ready.” “Hindi mo naman kailangan mag ready. Instinct naman yun at hindi mo namamalayan nag eenjoy ka na.” I smiled again. “Masakit daw yun eh.”  “Ganun talaga sa una but believe me despite the pain, mag eenjoy ka. Now, hubarin mo na ang tsinelas mo at maupo ka sakama.” Nanlalaki ang mga mata niya at hindi siya gumalaw.  “Ana! Bilisan mo na para makatapos tayo agad at makapag second round.”  Namumula at naiiyak na ginawa niya ang sinabi ko. Gusto ko nang matawa kaya tumalikod na lang ako sa kanya. Pumunta ako sa may TV at isinaksak ang cord sabay salang ng dvd sa player.  Paglingon ko kay Ana, nenenerbiyos lang siyang nakatingin sa akin. Agad akong bumalik sa kama at tumabi sa kanya. I felt her flinched  when my skin touches hers. Umusog din siya palayo sa akin.  “Mahiga ka na!” I said with authority.  “Paeng naman! Magpapakabait na talaga ako! Wag mo lang gawin to please.” “Ana, kahit ano pa ang sabihin mo, kahit na anong pagmamakaawa pa ang gawin mo, gagawin ko pa din ang gusto ko. Walang makakapagpigil sa akin.”  “Magkakasala ka. Pwede kitang idemanda ng rape.” Kunyaring nagulat ako at tumingin sa kanya. Tiningnan ko siya ng matagal bago magsalita.  “Anong r**e ang pinagsasabi mo dyan? Manonood lang naman tayo ng pelikula, bakit napunta sa r**e? Ano ba ang iniisip mo na gagawin natin?” I turned on the dvd player and the TV using the remote control tapos tumingin ulit sa kanya. Nakatulala siya, then bigla siyang namula. I wanted to laugh out loud because of her reaction.  Hindi naman sa ayaw ko sa kanya. In fact, gustong gusto ko nang gawin yun sa kanya. If only she have an idea pero kelan ba ako namilit ng babae? Isa pa, alam kong inosente siya. Baka nga makasuhan pa ako ng r**e.  “Ikaw ha malisyosa ka! Akala mo naman kahalay halay ka.” Tukso ko pa and I saw the fire in her eyes. It’s obvious that she’s mad. Tiningnan niya ako ng masama but I just winked at her.  Tatayo sana siya mula sa kama pero hinawakan ko siya.  “Akala ko ba gagawin mo ang lahat ng gusto ko? Gusto kong may kasamang manood ng pelikula ni Shu Qi. Samahan mo ako.” Tiningnan niya ako ng masama and I know she’s back to her old feisty self.  “May reklamo ka?” Dagdag ko pa. Umingos lang siya at nagdabog sa kama. Hinayaan ko na. Isa pa I am enjoyng her reaction. Nakakatuwa talaga minsan ang babeng to. Nung una, nakasimangot pa siya habang nanonood pero kalaunan naririnig ko na siyang humihikbi. Kunyari pa to, nagustuhan naman ang movie.  Then I felt her tugged the sleeve of my shirt at doon ipinunas ang luha niya. Pero hindi pa siya nakuntento, suminga siya sa sleeve ng shirt ko.  “What the hell Ana!” Nakakadiri. Ampucha! Ang daming pwedeng singahan, ang damit ko pa talaga. Ano bang klaseng babae to? “Sorry, wala kasing malapit. Kakapalit ko lang ng comforter at kumot. Ang hirap labhan ng mga yun kaya damit mo na lang. Magpalit ka na lang ulit.”Sisinok sinok pa siya habang  nagsasalita at panay ang tulo ng luha. Hindi ko nagawang magalit kasi nakakaawa ang sitwasyon niya. Namumula ang  pisngi at namumugto ang mga mata.  “Bakit kasi namatay si Lyn? Ang bait bait niya kahit na killer siya. Ang galing galing niya. Bakit siya ang namatay?”  She cried again. Tumayo na lang ako at naghubad ng damit at ibinato sa kanya ang damit ko para may pangpunas ulit siya. Pumunta na ako sa closet ko at nagsuot ng shirt. Pagkatapos ng isang movie, si Ana na ang nagrequest na manood ulit kami. “Yung siya pa din ang bida. Gusto ko siyang makitang buhay.” Sabi pa niya. Tumaas na ang kilay ko.  “Magluto ka kaya muna. Tapos mo na ba ang labahin mo?” “Hindi pa. Pero hindi naman yun tatakbo. Hindi naman ako lalayasan nun. Basta gusto ko pang manood Paeng.” Solemn pa din ang mukha niya. Malungkot na malungkot and I realize I don’t want to see her that way.  “Wala pa tayong dinner.”  “Magbukas ka na lang ng sardinas.” Nge! Hindi siya magluluto at manonood na lang ng movie? Pambihira! “Magluto ka muna!” Pautos na ang boses ko pero di pa din siya gumagalaw.  “Ayoko! Wala na ako sa mood.” Itinakip pa niya ang kumot sa sarili niya.  “Ganun? Eh kung hindi na lang kaya tayo manood?”  “Hindi pwede! Kailangang manood tayo. Gusto kong makitang gumaganti si Lyn. Wag mong painitin ang ulo ko Paeng dahil nalulungkot ako!” Tumaas na ang boses niya. Aba! “Kung ikaw nalulungkot, ako nagugutom.”  “Eh di magluto ka!” “Sino ba ang katulong sa ating dalawa?”   “Ako. Pero wala nga ako sa mood. Anong gusto mo, ipagluto kita tapos lalagyan ko ng lason dahil frustrated pa ako sa nangyari kay Lyn?” Hawak niya ang shirt ko at ipinunas sa mata niya. Hindi pa siya nakuntento inihilamos niya sa buong mukha niya ang damit. Napakurap ako. What the! “Tsaka kasalanan mo! Kung di mo ako pinilit na manood…” Tumalikod na ako at iniwan siya sa kwarto bago pa kung ano na naman ang maisip ko.  Pumunta na ako sa kusina at naghanap ng makakain.  Sa awa ng Diyos may natira pang Sardinas. Iginisa ko na lang at nagsaing na din ako. Pagkatapos kong magluto, bumalik ako sa kwarto. Nakahiga pa din si Ana sa kama ko at prenteng nanonood ng movie. She’s watching Naked Weapon. Napatingin siya sa akin pagkapasok ko.  “Ang ganda ng movie na to Paeng. Kinidnap sila nung mga bata pa sila tapos ginawa silang assasin. Gusto ko ding maging assasin tapos ikaw ang una kong papatayin Paeng.” Nakatawa na siya. Aba, komportableng komportable sa kama ko ha! “Paano mo naman ako papatayin?” Sumandal ako sa hamba ng pinto habang tinitingnan siya. Ayaw kong lumapit sa kanya kasi baka hindi ko mapigilan ang sarili ko.  “Katulad ng ginawa ng babae. Iseseduce muna tapos papatayin. Ang astig.” I smirked at her.  “It is not possible because I will f**k your brains out that you can’t even stand up much more assasinate me.” Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin.  “Ang bastos mo talaga Paeng!” Naeeskandalong bulalas niya. Namula din bigla ang pisngi niya. Is she imagining what I am imagining? Ugh! “Sino ba ang nagsimula? Kumain na tayo.” I want her out of my room dahil baka magalit ako at hindi ko na siya palabasin.  “Mamaya na. pagkatapos nito.” Tutok na ulit siya sa movie. Bumuntong hininga ako at yumuko tapos hinablot ang cord ng TV at ng player.  “Paeng!” She shouted. Tumalikod na ako pero lumingon ako nung makita ko siyang lumapit sa may TV.  “Wag mo nang tangkain na ibalik dahil kapag ginawa mo yun, papatayin ko ang main switch.” Tuloy tuloy na akong pumunta ng kitchen pero dinig na dinig ko pa din ang pagwawala niya.  “Papatayin kita Paeng!” Bumuntonghininga ako ulit. Hindi talaga niya alam ang ginagawa niya at mukhang kahit ako, hindi ko din alam ang ginagawa ko kasi mukhang ako ang nagisa sa sarili kong mantika.  I just made matters worst. Ngayon, paano ako makakatulog ng maayos kung tuwing hihiga ako sa kama, naamoy ko siya at naiimagine ko siyang nakahiga din katabi ko?  Fuck it! I’m doomed. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD