Chapter 8
Napangiti ako nang makita ko si Ana sa kitchen at kumakain. Simula kasi nung birthday ko, napansin kong iniiwasan niya ako. Bumalik na din siya sa pagkamataray niya at pagiging suplada. Pero kahit na ano pang pagsusuplada ang gawin niya, hindi na maalis na isip ko kung gaano siya kasarap halikan. I can’t help but smile at the thought that I could arouse Ana and I could make her respond to me sexually.
Lumapit ako at umupo sa mesa katapat niya at nagsandok ng kanin. Hindi na din niya ako pinagsisilbihan simula nung marealize niya na hindi talaga ako bakla katulad ng iniisip niya.
Kain lang sya ng kain at hindi ako tinitingnan pero kitang kita ko ang pamumula niya. Natatawa ako kapag nakikita siyang nagkakaganyan kasi ibig sabihin, hanggang ngayon apektado pa din siya sa mga nangyari. Kahit naman ako apektado pa din. Gusto ko na ngang ulitin.
Patingin tingin ako sa kanya habang kumakain at minsan nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin at lalo siyang namumula. I fight the urge to laugh out loud.
Ana…Ana… why are you so amusing and arousing?
Inaamin ko na nahihirapan din akong kasama ko siya sa bahay pero habang tumatagal natututunan ko na ding kontrolin ang sarili ko around her. Mas naaaliw akong tuksuhin siya kesa pagnasaan paminsan minsan.
“Ang sarap pala!" As usual itlog na naman ang ulam namin. Ang totoo niyan purgang purga na ako sa itlog pero dahil napansin kong mahilig siyang kumain ng itlog, eh di pagbigyan. Para kapag dumating ang tamang panahon, expert na siya sa pagbabati at pagkain ng itlog.
My ‘future’ twitched at the thought and I swallowed when I saw her drink her milk. Pati ba naman sa pag inom seductive pa din?
"Ang sarap pala talaga ng mga labi mo Ana!" I laugh nung naibuga niya ang gatas.
"May gatas ka pa sa labi. Do you want me to lick it?" I added and winked at her as her eyes widened.
"Tumigil ka na nga!" Lalo siyang namula at lalo akong napatawa. Pero siyempre hindi ko siya tinigilan at sa sobrang asar niya, tinutukan na niya ako ng bread knife. Ayaw kong magkakatutukan kami at baka magkasubuan este, magkasubukan pala.
Anyway, that day, niyaya ko siya sa farm para naman kahit papaano makita niya ang pinag gagawa ko at matigil na siya kakareklamo tungkol sa mga maduming damit ko. Isa pa, maghaharvest ngayon ng mangga. I’m sure she’ll enjoy it.
Nagsisimula nang magharvest nung makarating kami sa farm. Ang bagal kasi kumilos ni Ana. Naghagilap pa kasi ng boots at cowboy hat kaya kami natagalan.
All this time, akala ko, kilala ko na si Ana pero nagkakamali ako. Akala ko alam ko na ang kabaliwan niya pero hindi pa pala. My knowledge of quirkiness is just a tip of the iceberg dahil sino ang mag aakala na mas baliw pa siya kesa sa iniisip ko.
"MGA ALIPIN!! MAGSILUHOD KAYO!" She shouted habang nakapameywang at nakataas ang noo na parang isang hacienderang baliw. Kaya pala nagpumilit siyang mag boots at magsuot ng cowboy hat. Baliw talaga!
Napatingin sa amin ang mga tauhan ko.
"Hoy! Ano ang ginagawa mo?"
"Wala! Nagpapractice lang ako.” She have this satisfied look on her face na para bang tuwang tuwa sa mga nangyayari.
"Para kang sira." Napailing na lang ako.
"Pasensiya na po kayo. Nagbibiro lang po si Ana. Adik kasi yan. Nasobrahan ata sa halik ko!" That earned a few hoots and whistles from the people around us. Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Ana at ang pamumula.
"Nakita mo yang mga hawak nilang itak? Sa'yo isasaksak yan pag hindi ka nagbehave. Kaya magbehave ka! Sit!" Takte! Natatawa ako pero pinigilan ko. Pero hindi nagtagal ang pagpipigil ko nang umupo nga siya sa hood ng jeep.
“Good dog!" I patted her head kaya lalo siyang nagalit at nag walkout. Tinawag ko pa siya pero hindi talaga siya lumingon.
"Oi Ana! Saan ka pupunta?"
"Sa langit! Bakit sasama ka?" She shouted back.
"Pwede tapusin muna natin ang paghaharvest?" Dadalhin kita sa langit kahit ilang beses pa pagkatapos. I groaned at the images that suddenly popped out in my head. Me and Ana naked in a bed.Napalunok ako.
Nagkamali ata ako sa pagdala sa kanya dito kasi mukhang hindi ako makakapagtrabaho kasi madidistract ako sa presence niya.
Tama nga, I was distracted because she haven’t returned eversince she left. Baka nawala na yun o nalunod sa ilog. Iniwan ko ang ginagawa ko at hinanap si Ana. Nakita ko siya sa itaas ng punong mangga. Kung hindi ba naman baliw. Kadalagang tao, umaakyat sa mangga.
"Ana! Anong ginagawa mo dyan sa taas ng puno?"
"Ahmmmm...Nagpapaultrasound?" Walang habas talaga kung mang insulto ang babaeng to. At napakapilosopa. Definitely, her mouth needed some taming and I will have to do that sooner not later.
"Bumaba ka na nga dyan. Para kang unggoy. Baka mahulog ka pa." Naiinis na sabi ko. Ano ba ang pumasok sa isip niya at umakyat sa puno ng mangga. Paano kung mahulog siya? Hindi ba siya nag iisip? I gritted my teeth because it worries me to no end thinking that she might fall off the tree. I can’t even understand why it worries me. Maybe because of the fact that I am responsible for her. Pinapakaba niya ako. Di bali, pagkababa niya pipilipitin ko ang leeg niya.
"Saluhin mo muna to!"Nasalo ko ang binato niyang mangga. Kung gusto pala niya ng mangga, dapat sinabi niya. Hindi na niya kailangang umakyat.
"Tsss. Para lang dito, umakyat ka dyan?"
"Paeng!" napatingala ako sa kanya dahil sa klase ng tono ng boses niya. Bigla akong kinabahan.
"Bumaba ka na nga dyan Ana! Ang kulit ng lahi mo!" Kung pwede ko lang siyang hatakin pababa, ginawa ko na. At pagkatapos ko siyang pababain, papaluin ko siya hanggang sa magtanda. Pinapakaba niya ako!
"Paeng, yung mga higanteng langgam ba nangangagat?" May halong takot na ang boses niya.
"Depende kung pula o itim. Kung pula nangangagat kung itim hindi.”
"Waa! Paeng, ang dami kasi nila papunta sa akin! Paeng patayin mo sila!" Amputek! Gagawin pa akong killer. Pero kahit na inis ako, hindi ko alam kung bakit nagugustuhan ko ang pagtawag niya sa pangalan ko.
"Anong magagawa ko? Nasa taas sila ng puno. Tumalon ka na lang."
"Ayoko nga! Paano kung mabagok ang ulo ko at mamatay ako? Or mapilayan ako! Waaa!"
"Di yan. Sasaluhin naman kita. Talon na."
"Ayoko pa din!” She started wailing.Mas binubulabog niya ang mga langgam.
“Hindi ako pwedeng mahulog sayo!" Ano daw? Alam ba niya ang pinagsasabi niya?
"Bakit hindi? Yummy naman ako ah!" Ngingisi pa sana ako pero sumigaw na siya. Ang bilis ng pangyayari, the next thing I know we’re both on the ground and she’s lying on top of me.
Wow! Dream come true.
Pero masakit. Ang bigat niya yet it feels great having her this close. Napatingin ako sa kanya na nakapikit ng mariin at pakiramdam ko biglang sumikdo ang dibdib ko. What was that all about?
Dumilat siya and I smiled at her.
"Sinabi ko na sayo. Sasaluhin kita." Kumindat ako to show her I’m cool but deep inside me, my emotions is in turmoil because somehow I can’t understand why I feel a certain protectiveness towards her.
Kelan pa ako naging knight in shining armor? I am never gallant. Galantry is not in my blood. I could have just let her fall to teach her a lesson dahil yun naman ang tama para sa mga babaeng matitigas ang ulo na katulad niya. Ang totoo, hindi naman kataasan ang mangga. Mababalian siya siguro pero hindi naman siya mamamatay.
I don’t know what came up inside me at parang instinct na sinalo ko siya. Nakakagulat na concern ako sa kanya gayung kapag babae ang pinag uusapan, my only concern is how to make them come and how I could have my relase.
Ahh..Ana and her eccentricities, it’s making my head ache.