Saktong alas siyete ng gabi bihis na silang pareho ni Zayn. Handa na sila para sa dinner date nila. "Ready?" Tanong ni Zayn ng lapitan s'ya sa may dresser nag a-apply ng lipsticks sa mga labi. Naramdaman ang kamay ng asawa sa magkabilang balikat n'ya. Tube evening dress ang napili n'yang isuot, kaya ramdam na ramdam n'ya ang mainit na mga palad ng asawa sa balat n'ya. Napapikit pa s'ya, nagtaasan kasi ang mga balahibo n'ya sa batok ng yumuko ang asawa, at halos ipatong na ang baba nito sa may balikat n'ya na agad kumiliti ang balbas nito. Naramdaman rin n'ya ang mainit na hininga nito sa likod ng tenga n'ya. "Al... Al.. Almost," rattle n'yang sagot. Sa tuwing nalalapit sa kanya ang asawa ng ganito, ay nag-iiba ang pakiramdam n'ya. Umiinit at ginigising ang buong pagkatao n'ya. She gets h

