Charles' Side As long as I want to stay in the meeting, lumabas ako ng classroom para dumiretso sa gymnasium. Hindi naman 'yon required, walang grade, at excuse kaming mga varsity. Basketball is life. Wala akong inintindi noon kundi basketball. Simula bata pa lang ako, alam ko na na ito ang gusto ko. Dito ako magaling, dito ako naghahari---- patunay na rito ang pagiging MVP ko noong nasa Lee University ako. Hindi ako makapapayag na may ibang maghari sa larangan na akin. Tiim-bagang na tinitigan ko ang lalaking ngayon ay naglalarong magisa sa court. Ang iba naming kasamahan ay nakaupo sa bleachers at nagaayos pa lang ng katawan. Ang iba naman ay kasama ang kanilang mga girlfriend para magpalambing. Tss. Pumasok ako ng gymnasium at inilapag ang mga gamit ko bago ako mas lumapit sa kanya

