Ayradel's Side Pinilit kong kalimutan lahat ng nangyari. Pinilit kong ikalma ang sarili ko, saka maayos na pinasok ang gate ng aming skwelahan. Marami-rami na rin ang mga estudyante. Mas pinili kong dumaan sa may bandang madadaanan ang open court, pagkatapos ay ang gymnasium... Walang masiyadong tao roon. Lalagpasan ko na sana nang may makita akong pamilyar na pigura. Mas lumapit pa ako sa entrance ng gymnasium, doon ay natanaw ko si Charles na mag-isang nagbabasketball. Nakasuot siya ng normal na white shirt at pantalon, pero sige ang pagdribol at pagshoot niya sa bola na para bang sarili niya ang kalaban niya. Ilang beses niyang ginawa iyon hanggang sa mapagod siya at hingal na hingal na naupo sa floor ng gymnasium. Hinayaan niyang tumalbog palayo yung bola, tapos saka niya niyakap

