"Richard! Man! Tagal mo naman kumuha ng tubig!" Natigil ang pagtititigan naming dalawa dahil sa sumigaw. Mabuti na lang at medyo hindi kami kita mula doon sa table ng mga kaibigan niya. "Wait up!" aniya nang hindi napuputol ang tingin sa akin. "A-anong ginagawa mo dito?" sa sobrang kabog ng dibdib ko ay iyon ang nasabi ko kahit ang totoo ay gustong-gusto ko na siyang yakapin ngayon. Tumaas ang kilay niya at marahan pang lumapit sa akin. Naramdaman ko pa ang likod ko sa pader sa sobrang kaba. "You are hurting me." aniya sabay dampi ng saglit na halik sa labi ko. "Richard!" narinig kong tawag muli sa kanya mula sa table. "s**t. Ano bang problema ni Amiel." aniya pagkatapos ay tinignan ulit ako. He didn't say a word, at isang iglap ay nawala na lang siya sa harapan ko ng parang bula.

