Ayradel's Side "Uhm..." napalunok ako, paktay, paano ba ako makakalusot nito? Kahit na nagsisimula na ang game sa pagitan n'ong ibang sections ay laglag pa rin ang panga nina Lea, Rocel, at Blesse. Nagkatinginan sila sa isa't isa at naunang tumikhim si Lea. "Uh... Richard, pwede na naming mahiram si Ayra? Hehehehe." Naghabulan na naman ang t***k ng dibdib ko. Fudgeeeee! Mapungay na mata lang ang isinagot ni Richard. Tumingin siya sa game na nagaganap sa harapan, saka bumalik ang tingin kay Lea, pagkatapos ay marahang tumango. "Sure, tapos na rin naman ang laro namin. I'll go with you." saka ngumiti ng napakatamis. Mas lalong nalaglag ang mga panga nila. Kung ordinaryong araw lang ito ay malamang naglululundag na sila sa kilig ngayon. "W-wag na. I mean, okay lang," sabi ko kay Richa

