Ayradel's Side Tiningala ko ang matayog na building sa harapan ko. Katulad ng nasa google map ay hindi ito mahirap hanapin. Nalaglag pa ang panga nang matanaw ko kaagad ang ganda ng pagka-asul ng kulay nito pagkababa ko ng jeep. Gawa sa salamin na animo'y kumikintab kapag nasisinagan ng araw. Palagay ko'y mga nasa 5 floors ito kung titignan, pero ang tayog pa rin. May malaking hagdanang gawa sa bato ang dadaanan, nasa dulo no'n ay ang double doors kung saan nakatayo ang dalawang guard. Ginapangan agad ako ng kaba. Hindi ko alam pero sa kada tapak ko, ito na naman yung pakiramdam na maliit ka. Na halos lahat ng nakakasalamuha mo ay walang kasing yaman. Huminga ako ng malalim at nginitian yung mga guard. Sinilip nila ang bag at I.D ko, nang makasigurado ay agad nila akong pinapasok. "Uh,

