Laglag ang pangang tinignan ko ang nakataas-kilay na si Jae Anne. Taas-noo niyang itinago ang cellphone sa bag niya, pagkatapos ay matalim na mata kaming tinalikuran. Agad ko sana siyang hahabulin nang pigilan ako ni Charles. "Ayra..." Iwinasiwas ko ang kamay niya. "Pwede ba, Charles! Please lubayan mo na ako! Umalis ka na lang!" saka ko hinabol si Jae Anne. Narinig ko pa ang pagtawag ni Charles. "I'm sorry Ayra! Please! I'm sorry!" na hindi ko na inintindi. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo upang habulin si Jae Anne. "Jae Anne! Jae Anne! Burahin mo 'yan! Please! Nagkakamali ka!" Nang mahabol ko siya ay agad kong hinablot ang braso niya. Matalim ang matang nilingon niya ako. Ibang-iba siya sa Jae Anne noong highschool kami na maalaga, mahinhin... Tila ba punong-puno siya ng galit sa

