Ayradel's Side Dinaluhan ako nina Lea, Blesse, at Rocel, pagkatapos ng Biology. Hindi ko na rin binalak na lingunin si Richard noong nagdismissal. Si Charles naman ay nakasunod lang sa likuran ko. "Okay ka lang Ayra? Gan'on lang talaga yung prof na 'yon, wag kang pa-epek! Nakasagot ka naman kanina e!" ani Rocel, habang naglalakad kami papuntang student area. "Tulungan ka na lang namin magreview." sagot naman ni Blesse. Ngumiwi lang ako sa kanila. "Omaygad! What if maggroup study tayo?!" Rocel. "OMGEEEE go akooo! Tapos ako nang bahala sa inyo dahil kung hindi niyo tatanungin, top 10 ako n'ong highschool!" sabi pa ni Lea na tumigil sa paglalakad ah kumaway-kaway na parang Miss Universe. Si Charles naman ay tatawa-tawa lang. "Ha! Ang bobits mo naman bakla. Ako nga top fiiiiiiive!" si

