"Sinabi na ba sa'yo ni Crissa ang tungkol sa audition ng model ngayon?" tanong ni Sir Juancho nang matapos silang magkwentuhan nito. "Yes, Sir!" tugon niya. "I need your expertise about this, Mariz. Hindi kayang i-handle ng ibang staff and tungkol dito at lahat ng prinesent nila sa board ay rejected. Ikaw na lang talaga ang pag-asa ng kompaniya lalo na at 30th anniversary na nito. Dad was so furious knowing hindi pa tayo ready," wika ni Sir Juancho na halata na malaki ang problema nito. "Don't worry, Sir. I'll do my best para maayos po ang lahat. Thank you for appreciating my effort," aniya. "Well, kahit si Daddy palagi kang binabanggit sa akin. He wants you to be in your position hanggat gusto mo. Kahit pamangkin ko si Lovie, I can't trust her yet. Emosyon at hindi utak ang pinapagana

