Balak sanang pumunta ni Travis sa coffee shop ni Steve. Tutulungan niya sana iyon na magsara ng coffee shop ngunit nang nasa baba na siya ng condominium building ay napansin niya si Mariz habang inaalalayan ng may-ari ng Isla Bonita na si Nikko Sebastian. Sa wakas ay nalaman na niya ang pangalan nito dahil nag-search siya pagka-uwi niya kanina. "Ano kayang nangyari sa kaniya? Hindi ba siya makalakad at todo ang yakap niya sa lalaking iyon?" tanong niya sa kaniyang sarili. Nang hindi mapakali ay sinundan niya ang dalawa papuntang elevator. Ilang saglit lang ay nakita niyang inilipat nito ng elevator si Mariz. "Sa VIP elevator iyon ah," aniya sa sarili at dali-daling lumapit sa mga ito at hinila ang braso ni Mariz. Tiningnan siya ni Mariz na amoy alak kaya alam niya na lasing ito at n

