Ilang araw na nasa condo niya lang si Mariz. Nilinis niyang maigi ang bawat sulok para mawala lang ang kaniyang pagkainip. Tinupi niya rin ang kaniyang mga damit sa closet kahit na maayos namang nakalagay ang mga iyon. "Last day na 'to, Mariz. Bukas pwede ka nang makalaya sa apat na sulok ng condo mo," sabi niya sa kaniyang sarili. Mabuti na lang at maraming restaurants sa ibaba lang ng The Garden's Tower kaya nagpapa-deliver na lang siya ng pagkain. Nakaupo siya sa kaniyang couch habang nagbabasa ng magazine ng kalaban nilang publishing. Bigla niya iyong nabitawan nang mabasa ang nakasulat na pangalan ng isang guwapong modelo - Travis Scott. "Kainis talaga! Ilang araw ko na siyang hindi iniisip ngunit bakit bigla na namang sumulpot ang pangalan ng taong 'yon?" naiinis niyang sabi niya

