Ruby Rose.
napabuga ako ng hangin ng makarating na ko sa NAIA terminal, pag pinag hintay nila ako ng matagal dito babalik ako ng America, bahala sila sa buhay nila.
kunot ang noo ko ng tawagan si Randy.
1
2
3 rings bago niya sagotin ang tawag ko kaya yamot na yamot na talaga ako.
"Rose anjan ka na ba? " halatang masaya si Randy.
"what took you so long to answer my fvcking call Randy? yes I'm already here 10 minutes ago, pag pinag hintay mo ako ng matagal I'm telling you babalik ako ng America. " naiinis kong sabi.
"malapit na kami Rose, please wait for us, baka itakwil ako ni lolo pag bumalik ka ng America. "
"I'll wait for you for another 10 minutes pag wala ka pa rin I'm sorry but I'll be back in America.. I'm not joking Randy. " nakakainip naman kasing mag hintay dito dapat sila ang nag hihintay sakin dito eh.
"what are you looking at asshole? " I rolled my eyes sa lalaking tingin ng tingin sa gawi ko.
"Rose sino na naman ba yang tinatarayan mo? kalma ka lang okay? malapit na malapit na talaga kami. " halata sa boses ni Randy ang pag aalala kaya malamang pinapalipad na nito ang sasakyan nila.
"mind your own business Randy, tatarayan ko ang gusto kong tarayan, bilisan mo na. " pinatay ko na ang tawag.. 5 years na ako sa America pero hindi ko namiss ang Pilipinas, puro sakit nalang ang lugar na to, kung hindi lang talaga may sakit si lolo hinding hindi ako babalik dito, muling sumagi sa ala ala ko ang mga masasakit na alaala na tinakasan ko.. 5 years ago.
masayang masaya dapat ako dahil ikakasal ako sa taong mahal na mahal ko but not in my case, ikakasal akong nagdurugo ang puso ko dahil sa pag tataksil sakin ng lalaking mahal ko, kahit ayaw ko ng mag pakasal sa kanya ay hindi pwedi dahil mapapahiya ang pamilya namin, isa ang pamilya namin sa pinaka mayamanan at ma empluwensang pamilya dito sa Pilipinas, kilala ang pamilya namin sa larangan ng business.. hotel, malls, cars, electronics name it, halos hawak namin lahat yan, kaya kahit nasasaktan ako hindi puweding umurong sa lintik na kasal na to, ang kakapal ng mukha nilang lahat, alam nilang pinag taksilan ako ng lalaking yon pero parang wala lang sa kanila, dahil ba pinsan ko siya at nakakabata sakin? kailangan bang ako ang masaktan dahil mas matanda ako? fvck them..
gagawin pa nila akong tanga? ano yon pag kasal na kami ng gagong yon lolokohin pa din nila ako? mga bwesit sila..
hindi ko alam kung bakit pinag taksilan ako ni Reynan ano bang nakita niya sa malanding yon? dahil ba hindi ko maibigay ang pangangailangan niya? bakit s*x ba ang nag papatibay sa isang relasyon? bat hindi niya ko nahintay? ibibgay ko naman yon pag nakasal na kami eh..
I hate them.. I hate them all.. si lolo lang talaga ang kakampi ko sa lahat.
mag papakasal ako kay Reynan kahit niloko niya ko, para wala na silang masabi sakin, binigyan ko siya ng isa pang pagkakataon dahil sabi niya natukso lang daw siya, na inakit lang siya ng malandi kong pinsan.
pero gumuho ang mundo ko ng makita muli silang nag hahalikan, sa araw pa talaga ng kasal namin, hindi na nila ginalang ang kasal namin.
gustong gusto kong manakit, gusto kong mag wala pero di ko magawa, hindi ako pinalaki ng magulang ko para api-apihin nila. damn them.
mag bubulag bulagan na naman sana ako pero shit.. ginagago nila ako, sino sila sa akala nila?
habang nag uunahan ang luha ko sa pag bagsak tinungo ko ang lugar kong saan sila nag hahalikan.
ilang ulit akong bumuntong hininga saka pinahid ang mga luha, hindi ako mahina, hindi dapat nila makitanh umiiyak ako dahil lang sa pag tataksil nila.
"what a great view. " pinatatag ko ang boses hindi ko pinahalata na gusto ko na silang patayin.
"b-babe? m-mali ka ng iniisip babe, nasira lang ang make up niya kaya inayos ko. " utal utal na sabi ni Reynan.
"so make up artist ka na pala ngayon? " nakangisi kong sabi.
"ano naman kung nag hahalikan kami? ito na nga ang huli eh, dahil mas pinili ka ni Reynan. " so siya pa ang galit ngayon?
"dapat ba akong matuwa dahil ako ang pinili ng manlolokong yan? "
"b-babe.. tara na please, last na talaga to, it's just a good bye kiss wala ng iba, alamo naman na ikaw lang ang mahal ko diba? " sabi ni Reynan na hinawakan ako nito sa kamay.
"sinayang mo lang ang pag bibigay ko ng second chance sayo Reynan. " hinubad ko ang suot kong gown sa harap nila.
tanging nighties nalang ang natira kong saplot, ewan ko ba kung bakit yon ang ginawa ko.
nang makita ni Reynan ang suot ko agad agad siyang nag hubad ng coat at pinatong sa balikat ko.. itinaboy ko yon.
"suotin mo yang gown ko malandi ka.." sinabunotan ko siya at pinag sasampal, ang kapal ng mukha niya siya pa talaga ang matapang, ang tagal kong nag titiis sa kanya. pinipigilan ako ni Reynan"sige Reynan pigilan mo ako at iisipin ko talagang siya ang mahal mo. " himutok kong sigaw dito, pinag sasampal ko din siya.. pumunta ulit ako sa pinsan kong malandi at pinasuot sa kanya ang gown ko.
nakikita na ang panty ko kaya binababa ni Reynan ang suot ko. "wag mo kong hawakan. " galit kong asik dito.
"babe nakikita na ang panty mo. " ewan ko pero tila tuwang tuwa pa si Reynan na nakikita niya ngayon ang katawan ko pati ang panty ko bwesit siya, seryuso ang galit ko dito samantalang siya mukhang pinagnanasahan pa ang katawan ko, napaka tanga ko naman kasi bakit hinubad ko pa ang gown ko?
nag wagi naman akong ipasuot sa malandi kong pinsan ang gown ko, saka pinag sasampal na naman siya. pulang pula na ang mukha niya.
"there.. mas bagay nga sayo ang gown na yan, ano pang hinihintay niyo? magpa kasal na kayo. " galit kong sigaw.
"babe.. wag mo namang gawin to please, alamo namang mahal na mahal kita diba? natukso lang naman ako babe, lalaki lang ako na may pangangailangan" muli na namang dumapo ang sampal ko sa pisngi niya.
"damn you, mag sama kayo. " pilit niyang ipasuot sakin ang coat niya pero hinubad ko yon.. paalis na sana ako ng may naka harang na lalaki sa harapan ko.
"Randy? " hindi ko na napigilan ang luha ko, napaiyak na ko ng makita ko si Randy.
hinubad niya ang coat niya at ipinasuot ito sakin.
"what the fvck Rose, bat nag hubad ka? balak mo bang mag pagahasa imbes na makasal? hindi mo ba nakikita sarili mo? kung gaano ka ka sexy ngayon? " kung di lang ako umiiyak baka natawa pa ako sa sinabing iyon ni Randy.
"ibalik mo siya dito Randy, mag uusap kami ng asawa ko. " asawa? ang kapal ng apog niya.
"no kuya, hindi siya mag papakasal sa isang gagong kagaya mo.. now you realized kung sino ang niloko mo?"
seryosong sabi ni Randy na naka hawak sa kamay ko.
"hindi ako nakikipag biruan Randy, don't touch her and bring her to me.. that's my wife that you're touching asshole. " sigaw na galit ni Reynan.
"ang tanga ko, ako naman dapat ang magiging asawa ni Rose kung hindi mo lang siya inagaw Reynan." nakipag sukatan ng tingin si Randy sa kuya nito.
"sige mag away lang kayo jan, basta ako sisibat na.. mag sama kayong dalawa, bagay na bagay kayo. " nag umpisa na kong mag lakad..
to my surprise may biglang bumuhat sakin, and it was Randy.. smiling brightly at me kahit mukhang malungkot din siya like me.
susundan pa sana kami ni Reynan pero biglang nagsi datingan ang mga bisita.
napabalikwas ako ng may biglang yumakap sakin..
"Rose I miss you so much. " si Randy na ba to? well lalo siyang naging gwapo ah, infairness.. napatingin naman ako sa kasama niyang isang anghel na bumaba sa lupa.. nakita niya akong nakatingin sa kanya kaya napangiwi ako para pag takpan ang pagka pahiya sa pag titig ko sa kanya.
"bitaw na nga. " irap ko kay Randy parang wala pa atang balak bitawan ako.
"grabe Rose, hindi ka man lang tumanda lalo ka atang gumanda ah. " nakangiti niyang sabi na pinag masdan ako head to toe.
napangiwi nalang ako sa sinabi niya.. ako lalong gumanda? nag bibiro ba siya?
"shut up before I kill you.. nang aasar ka ba? " I rolled my eyes at him.
"totoo kaya.. but I thought mag babago ka na ng style dahil nasa America ka na, yon pala hindi. " tila dismayado ito sa panunuot ko. ano bang mali sa suot ko? I'm wearing a three piece suit with slacks na kulay dark gray lahat, itim na sapatos at may mga salamin sa mata.. naka pony ang mahaba kong buhok at walang ano mang make up sa mukha.
"ano bang paki mo? eh sa ganito ako eh" inirapan ko siya.
nasa sasakyan na kami at nasa backseat kami nitong pinsan kong pangit, yong guwapo naman ang nag da-drive, s**t nahuli na naman niya akong nakatingin sa kanya, nginitian ako nito, at lumabas ang malalim niyang dimples sa both face niya.. again ngumiwi ako sa kanya at pinang ikotan ng mata. naputol ang magaganda niyang ngiti.. buti nga sayo, kala mo madadaan mo ko sa pangiti ngiti mo?
"sino ba yang mukhang biik na yan? " naiirita kong tanong sa pinsan ko.
"biik? sino? nag tatakang tanong nito.
nginuso ko si gwapong driver, syempre napaka gwapo talaga niya pero never kong aaminin yon.. manigas siya.
bigla namang napahalakhak si Randy.
"si Calix mukhang biik? " pinalo palo pa ako nito habang walang pigil sa pag tawa.
nakabusangot naman ang mukha ng gwapong driver, nandidilim ang matang nakatingin sakin ito ng masama sa rear view mirror.. inirapan ko lang ito, kahit anong gawin niya gwapo pa din siya in fairness ha.
"that's Calix Smith, he's your PA s***h driver from now on.. napaka gwapo diba"
bagay sa kanya pangalan niya ah.
tumingin siya ulit sa rearview mirror at nginitian ako ng ubod ng tamis.. syempre I just rolled my eyes at him.
"ayoko ng mukhang biik na PA. " sabi ko nalang, sa totoo lang ayaw ko ng ganyan ka gwapo na PA baka mamaya niyan imbes na trabaho ang atupagin ay baka mang chicks lang ito, hitsura palang niya mukha na siyang Chickboy.
"hey I'm Calix.. isang tawag mo pa sakin ng biik hahalikan kita jan. " aba sira ulo pala to ah? akala siguro niya madadala niya ko sa mga pag ganyan niya?
syete hindi ko alam ang sasabihin ko, nakangiti tuloy siya sa rearview mirror..
"marunong bang humalik ang mga biik Randy? " tanong ko kay Randy.
napatawa naman ng malakas si Randy.
"hey woman.. isa pa talaga at makaka----. " hindi niya natuloy ang sasabihin.
"what? do you need to say something? biik? " nakangisi kong sabi.
nakita ko ang pag pipigil niya ng galit na siyang ikina tuwa ko.