nag ngingitngit sa galit ang dalaga dahil pag dating palang niya sa labas ng opisina niya ay nadatnan ang dalawang tao na nag lalandian.. ang secretary niya at ang bastos niyang PA, teka ba't andito ang PA niya? diba sinibak niya na ito sa trabaho? at ang kapal talaga ng mukha nitong makipag landian ha sa mismong kompanya niya pa?
maya maya ay nag bukas ang opisina niya at ang nakangiti niyang dating PA ang lumabas doon.
"Good morning Miss Hernandez. " ang ganda ng ngiti nito na parang ina akit siya.
"what's good in the morning? at anong ginagawa mo dito? " malditang sabi ng dalaga na naka taas ang isang kilay.. naiinis siyang makitang masaya ang bastos samantalang siya hindi nakatulog sa pag halik sa kanya nito.
"ofcourse I'm here to work.. this is your schedule for your todays meetings.. " nakangiting sabi ng binata na hindi alintanan ang masamang tingin ng dalaga sa kanya.. ibinaba niya nalang sa table nito ang schedule ng dalaga dahil hindi nito inaabot yon.
"didn't I fired you already? at sinong sira ulo ang nag papasok sayo sa kompanya ko? " galit na sabi ng dalaga.. tila tumaas ang dugo niya pag kaharap ang mayabang na lalaki na to.
"oh c'mon Miss Hernandez just calm down.. ang aga aga eh, lalo ka tuloy pumapangit niyan. " pang aasar ng binata.
"what? how dare you. " aakmang itatapon ng dalaga ang name plaque nito sa binata.. talagang nanggigigil siya dito.. ang kapal ng mukha niyang tawagin siyang pangit nito.
"don't do that.. baka matamaan mo ang gwapo kong mukha Hoy. " inagaw agad ng binata dito ang hawak niyang name plaque..
napalakas ata yon kaya napadaing ang dalaga. nakita niya nalang na nasugatan ang daliri nito.
"fvck." napamura nalang siya ng sunod sunod na pumatak ang dugo nito sa sahig.
napahawak siya sa daliri nito at walang sabing sinubo ito.
"what the---- balak pang hilain ng dalaga ang kamay nito pero naramadaman niya nalang na nasa bibig na ito ng binata, sinisipsip nito ang daliri niyang may sugat.. may iba siyang naramdaman sa mainit na bibig ng binata habang sinisipsip ang daliri niya.. nag init ang buong katawan niya.. at napigil niya ang pag hinga..
pilit niyang hinihila yon pero hindi siya nag wagi dahil malakas ang binata.
para siyang papel na tinangay ng binata sa banyo para hugasan ang sugat nito.. hindi na nga nag dudugo ang sugat niya.. hinila na naman siya nito palabas ng banyo at kinuha ang medical kit.
"ako na. " pinilit niyang hilain ang kamay pero hindi yon binitawan ng binata.
"stay still, para ka talagang bata. " may inilagay itong kung ano sa sugat niya.. hindi niya na napansin yon dahil naka focus siya sa magandang tanawin na nakikita niya.. napaka gwapo pala talaga ng bastos na lalaki na to.. nasabi ng dalaga sa sarili.. makakapal ang kilay nito, may mahabang pilik mata na bumagay sa mata nito, may matangos na ilong at mapupulang labi.. napatitig siya sa mapulang labi ng binata na hinihipan ang sugat niya.. napalunok siya dahil naalala niya ang pag halik ng binata nito sa kanya..
napatikhim nalang siya.. at agad na tumayo. "next time huwag mong isusubo ang daliri ko.. that's so gross. " irap ng dalaga sa binata..
"if you are thankful for what I did, just say thank you.. hindi yong susungitan mo pa ako. " naiiling na sabi ng binata, inayos nito ang ginamit at binalik sa lagayan.
"I'm not thankful.. nasugatan naman ako dahil sayo. " irap na naman niya sa binata.
"alamo napaka maldita mo talagang babae ka nakaka pikon ka na." inis na sabi ng binata na timping timpi sa dalaga.
nginisihan lang siya ng dalaga kaya nag tatagis naman ang bagang niya sa inis sa dalaga.
"Ms.Madrigal where is my PA hindi pa ba dumating? at anong ginagawa dito ng dati kong PA? " narinig ni Calix na kausap ni Ruby Rose sa telepono ang secretary nito.
"Miss Hernandez, si Calix Ledesma po yong hinihintay niyong bagong PA niyo---
"what? are you crazy Miss Madrigal? I already fired him just bring my PA to me asap I need a PA right now.. at tumawag ka ng security para palabasin tong lalaking to kung ayaw mong pati ikaw sisantihin ko. " pinutol na nito ang kabilang linya. tumingin ito sa kanya ng masama.
"get out now bago ka kaladkarin ng security palabas! " irap ng dalaga sa kanya.
"pag binaon ko kaya sayo tong sandata ko magagawa mo pa kaya akong tarayan at irapan Rose? " napangiti ang binata sa naisip.. he's manhood is getting hard.
"at may gana ka pa talagang ngumiti dyan ah? hihintayin mo bang kaladkarin ka ng mga tauhan ko? " napatingin ang dalaga sa pintuan ng may kumatok at pumasok agad si Miss Madrigal.
"why are you here instead of my PA and security?" nawawalan na ng pasensya ang dalaga.
"Miss Hernandez he is your PA, your Lolo hired him again. " nakayukong sabi ng babae na takot na takot masalubong ang nag babagang mata ng dalaga.
"what?" nakataas kilay niyang tanong..
"you heard her right miss Hernandez, I'm your PA again but this time you can't fire me just like you did, only Mr. Hernandez can fire me. " lumapit siya sa dalaga at hinawakan ang panga nito. "hindi mo ako basta basta mauutosan Miss Hernandez, I'm just here to watch ang guide you. " nakangising sabi ng binata na napalunok pa ng laway ng maramdaman ang malambot na balat ng dalaga.. he tempted to kiss her again buti at nakapag pigil siya.
pagalit na itinaboy ng dalaga ang kamay nito. "how dare you to touch me asshole! irap ng dalaga. " I'll talk to my lolo, sisiguraduhin kong wala ka ng trabahong babalikan. "
agad nga na tinawagan ng dalaga ang Lolo nito pero ang secretary niya lang ang nakausap nito dahil nag papahinga na daw ito dahil masama ang pakiramdam pero binilinan daw niyang itrato ng maganda si Calix para hindi umalis..like what the fudge? halatang iniiwasan siya ng Lolo niya.
"why are you still here miss Madrigal? tititigan mo lang ba ang ang Calix na yan? kung gusto mo hahayaan kitang titigan siya anytime you want but I'll fire you.. you want that? " galit na asik ni Ruby Rose sa babae, nag tititigan kasi ang dalawa sa harap niya, nag ngingitian pa ang mga ito, ang lalandi talaga.
"s-sorry Miss Hernandez. " nag madali ng lumabas ang babae.
"and you, I'll let you work here for a while habang hindi ko pa nakakausap si lolo.. just do your work. " maldita niyang sabi.. magaling naman din ang binata, aminado siya don, bastos nga lang ito at palaging may kalandian, sa twing may meeting nga sila pag babae ang ka meeting nila ay nagiging success dahil sa kalandian ng binata.. imbes na mag success yon dahil sa nagustuhan ang deal nila ay iba ang nang yayari kaya naman naiinis siya sa binata.. naiinis siya sa mga lalaking malalandi tulad ng ex Fiance niya.
nginisihan lang siya ng binata, saan kaya nakaka kuha ng lakas ng loob ang hinayupak na to na inisin siya at sagot sagotin? bakit tila hindi ito natatakot sa kanya? sino ba ito sa akala niya? sa hitsura palang ng binata ay masasabing may kaya ito sa buhay.. magaling mag dala ng sarili, mamahalin pa ang mga suot nito. pero bakit nandito siya at nag tatrabaho sa kanya?
"done checking on me? did I pass to your taste? " nakangisi na naman ito sa kanya.
"what? I'm not checking on you okay? and don't even dreaming.. you're just a mere boy in my eyes. " irap ng dalaga.. talagang naiinis na siya sa hangin ng Calix na to.
"boy huh? you're just five years Older than me woman, don't ever think I'm just a boy baka magsisi ka pag nabuntis kita" nang gagalaiti sa inis si Calix, ini-small ata siya ng babaeng to ah?
sasagot pa sana ang dalaga ng mag bukas ang pintuan ng opisina niya.. napabuntong hininga na lang siya, talagang tumaas ang dugo niya sa napaka bastos na lalaki na to, mamaya sila mag tutuos nito.
"so.. tama nga ang balita nasa bansa ka na nga my dear cousin. " plastik na nakangiting sabi ni Ravenna, ang ahas niyang pinsan na umagaw sa ex Fiance niya.
nag angat siya ng tingin ng marinig ang boses na yon ng nakakabatang pinsan niya.. napa kuyom ang kamao niya sa galit.
"why are you here Ravenna? don't make a scene here. " tumayo siya at umupo sa katapat na sofa na inupuan ng pinsan niya.
"I don't make a scene Cous, ikaw ang magaling gumawa non.. and Aren't you happy that I'm here? don't tell me you aren't moved on yet? at galit ka pa din samin ng husband ko? " nakangising sabi ng babae na pinag masdan siya mula ulo hanggang paa.
"matagal na akong naka move on Ravenna.. and I already forgive you and your husband but it doesn't mean that I forgot what you just did.. I don't tolerate a cheater like you. " inayos pa ng dalaga ang salamin sa mata at laking tuwa niya ng makita ang galit sa mukha ng nakaka batang pinsan nito.
tila para namang nanunuod ng drama ang binata sa nasaksihang sagutan ng mag pinsan.. napaka tapang talaga ng boss niya.. kulang nalang ay pop corn para na siyang nanunuod ng movie.
"we didn't cheat on you Ruby you know that, talagang nagustuhan lang ako ni Reynan dahil sa mas fresh at maganda ako sayo.. look at your self in the mirror Ruby? sa tingin mo may magkaka gusto ba sayo sa histura mong yan? pasalamat ka nga at pinatulan ka pa ni Reynan eh. "naka ngising sabi ng babae.
natahimik ang dalaga sa sinabi ng pinsan niya, totoo naman ang sinasabi ng pinsan niya, napaka plain lang niyang babae ni hindi nga siya marunong mag lipstick man lang.
nag tagis ang bagang ni Calix sa nasaksihan tila talo na ang manok niya, kung tutuosin mas di hamak na maganda ang boss niya kesa sa pinsan nito, hindi lang kasi nag aayos ang boss niya pero pag nag ayos ito paniguradong luluhoran to ng mga lalaki.
"anyway nandito lang naman ako para imbitahan ka sa darating na anniversary naming mag asawa, I'm not here to start a fight or what.. you need to come cous hihintayin ka namin. " nakangiti ng malawak ang babae na animo'y nag tagumpay sa laban.
"napaka thankful namin sayo cous dahil ikaw ang taga salo ng papalubog na kompanya ni Lolo, napaka galing mo talaga dahil ngayon unti unti na namang umaahon ang kompanyang ito. " nakangiting sabi ng babae.. napatingin pa ito kay Calix at nanlaki ang mga mata nito. "oh who's this handsome guy Cous? don't tell me Boyfriend mo to ah? no way.. papatolan ka ba----
"yes I'm her boyfriend.. paano mo nasabing hindi ko papatulan ang nag iisang Ruby Rose Hernandez? she's a complete package, bukod sa maganda, sexy, mayaman matalino pa? wala na akong hahanapin sa isang katulad ng love ko.. diba love? " lumapit siya sa dalaga at inakbayan ito.
tila hindi naman makapaniwala ang babae.. sa loob loob niya ay nag ngingitngit ito sa galit, paano nakahanap ng mas guwapo pa kay Renan ang pinsan niya? paano nagka gusto ang Greek god na to sa pinsan niya? bulag ba to o ano?
pilit na ngiti lang ang naging sagot ni Ruby Rose at itinutulak niya ang binata.
"that's great, nagkaka edad ka na din kasi cous, you need to get married soon.. basta pumunta kayo ah? " plastik na napangiti ang babae.
habang ngiting tagumpay naman si Calix dahil halata sa babae ang inggit kay Ruby Rose.. si Ruby Rose pa din talaga ang nanalo.
"sure.. pupunta kami ng love ko. " piningot pa ng binata ang ilong ni Ruby Rose.
umirap lang ang plastik na babae saka nag paalam ng umalis.