Florecita POV Pumailanlang ang tawa ni Lolo Alfonso sa loob ng mansyon. Kahit isang taon na ang nakalipas ay natatawa pa rin ito sa ginawang panlilinlang ni Yross sa akin kapag nakukuwento ni Yross dito ang ginawa nito. Napapailing nalang ako, nasa harden ako ngayon nagdidilig ng mga bulaklak para may magawa rin ako. Sina Yross naman at Lolo ay nasa sala nagkukuwentuhan. Kadarating lang din nito galing sa States kasama ang si mommy Lian, ang ina ni Yross. Last year ay umuwi rin sila sa church wedding namin. Masaya ako matagal ng nagkaayos si Yross at ang mommy nito. Muli ko na namang narinig ang masayang tawa ni Lolo Alfonso, napapangiti nalang ako. "Hay naku, ang iingay ng dalawa." Narinig kong sabi ni Mommy Lian, kadarating lang nito sa harden. I smiled at her, she's so kind and swe

