Nakangisi akong nakatunghay sa babaeng mahimbing na mahimbing ang tulog. Hinawi ko ang iilang hibla ng buhok nito na natatakpan ang mala-anghel nitong mukha. Wala na itong kawala ngayon sa akin. Siguro naman wala na itong matatakbuhan pa. Lumabas ako sa silid nito at nagtungo ako sa kitchen. Magluluto ako ng dinner namin. Hindi mawala ang ngiti ko sa mga labi. Dinala ko si Florecita sa Hacienda San Sebastian kung saan dito ko binuo ang pangarap ko para sa aming dalawa, kung saan una nitong pinatibok ang puso ko. Buti nalang nasa States pa si Lolo kasama ang mommy ko. Si Manang Tess naman ay nagbakasyon muna sa lugar nito. Napapangiti ako. Iilang mga katiwala lang ang kasama namin dito. "Kailangan n'yo po ng tulong sir?" Untag sa akin ng katulong. Ngumiti ako rito saka umiling. "Ako na

