Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya bigla nalang nagyaya.
"Tapos kana?" tanong niya sa akin pagbaba.
Tumango ako bilang tugon. Parang ayaw bumuka ang bibig ko dahil masyado siyang seryoso ngayon. Eh, ano naman kase kung hindi ako mag mukmok? Eh, sa gusto kong baguhin ang sarili ko sa ganitong paraan. Kalokang baklang to.
Basta nalang akong sumunod sa kanya pasakay ng jeep, nag tricycle, sumakay naman ng jeep, nag lakad papuntang mall.
Eh?! Ano naman ang gagawin naman dito?
"May bibilhin ako huwag kang masyadong ano diyan," taray niyang sabi.
Hindi pa nga ako nagsalita naunahan naman ako. Nabasa nito ata ang isip ko ehh.
Ba't parang galit siya? Hindi nalang ako umimik at sumunod nalang sa kanya papuntang boutique shop.
All men's, mula sa taas hanggang sa baba yung bininta nila.
BENCH... Nasabi ko nalang sa aking isip.
Nag-ikot ako sa isang botique at hinayaang mamili si Josh nang kanyang bibilhin.
"Akala ko doon tayo sa Fashion Boutique, bakit dito pa?"
"Ay, taray teh huh?! Di pwedeng may reregaluhan lang si akitch?!"
Reregaluhan? Sino naman?
"Nag-isip ka pa? Syempre, kay jowa ko
BWAHAHAHAHA!" Dali-dali kong tinakpan ang bibig ni bakla. Ang lakas kase ng boses kung maka-sigaw akala mo nasa bahay lang.
"Uy, huwag ka ngang maingay. Tingnan mo yung mga tao ouh. Lahat, nakatingin sa atin."
He looked at me from head to toe. At bumalik tingin sa akin.
"Ang ganda mo raw kase..." He smirked.
Binalik ang kanyang tingin sa pamimili ng mga damit. Hanggang sa, na punta na naman yung tingin niya sa boxers... Briefs... Tuwang-tuwa pa nga siya ng makita niya ito.
Hinawakan niya ito at tiningnan. Ani moy parang isang loko-loko itong pinsan ko, kong maka-amoy kala mo naman di nagsusuot ng brief.
"Insan, halika." Lumapit naman ako sa kanya, upang tingnan yung bitbit niya. "Alin ang mas maganda?" Pinapakita niya sa akin ang kulay dilaw na polo sleeves at maong na polo.
"A-Ano ba iyan?" Tanong ko.
"Polo malamang! Ano ba 'yan!" Iritang sabi sa akin.
"Alam ko... I mean, bakit ganyan yung kulay?"
"Sabi kase nila, kapag masyadong maputi yung kulay ng kanilang balat. Regaluhan mo ng masisilaw na gamit para mas lalong masilaw." Seryoso niyang sabi.
Huh? Naririnig ba niya ang kanyang sinasabi?
"T-Teka, hindi ko pa narinig 'yun. Sinong may sabi?" Tumingin naman siya saakin na naka kunit ang noo.
"Syempre ako. Ano kaba naman Insan, nabingi kana ba sa pagiging malungkot mo? Ganun ba kasakit?"
"Foul yun uyh," duro ko sa kanya.
Tinakpan naman niya ang kanyang bibig. Nakita ko naman sa unahan ang papasok na sexy na babae. I don't know who she is, pero sout niya ang parehong school uniform namin.
Elegante kung maglakad. Simpleng manamit pero mahalata mong ang ganda niya, kase nababagay sa kanya ang kanyang sout. Tapos nakalugay pa ang mahahaba nitong buhok.
"Uhm, excuse me."
"H-Huh?"
"Papatulong sana ako mamili ng damit kung ok lang sayo."
Sa akin pala nakatingin to. Akala ko sa iba.
"H-Ha, H-Ha, h-hindi po ako staff dito." Sabi ko. Bakit ba ako nauutal? Well, wala lang haysst.
Nagpunta ako sa pilian ng mga tuxedo. Ang gaganda... Gagara... Mamahalin... Nilingon ko si bakla. Nasa counter na pala.
"Ang ganda naman niyang nasa harapan mo, pwede akin nalang?" Napalingon ako sa bandang kaliwa ko. Nakasunod pala ito? Anak ng...
"S-Sige, hindi naman ako bibili ehh." Ngumiti nalang ako, at nag bow. Uutal na naman. Aalis na sana ako ng bigla niyang hawakan kamay ko.
"Pwede mo po ba akong samahan?"
Hindi po ako marunong magbantay ng bata.
"Saan?" Excited na sambit ko. Ehh? Nagtataka na talaga ako sa ugali ko. Pa iba-iba.
"Saglit lang babayaran ko lang to." Dali-dali namang siyang nagpunta sa counter.
"Sensya na teh, pinag-antay kita ng matagal. Ano, tara?" Ata sa akin ni bakla. Pinigilan ko siya. "Bakit? May bibilhin ka pa ba?"
"Wala naman akong bibilhin, hintayin nalang natin siya." Turo ko sa dalagita na nasa counter.
Wala namang nagawa kundi naghintay rin.
Ilang saglit lang naman yun, nagtakbo pa siyang papalapit sa amin na nakangiti.
"Salamat po sa paghihintay," nginitian lang namin siya. "Tara na po," hinila niya ako papalabas ng boutique.
Kahit nasa daanan ay hawak parin niya ang aking kamay. Maya-maya lang ay narating namin ang Japanese Restaurant. Namilog ang aming mga mata ni bakla.
"T-Teka, anong gagawin natin dito?" Tanong ko.
"Kakain po." Inosente niyang sabi.
Hindi naman umimik ang bakla dahil wala rin siyang magawa. "Ang mahal naman dito, sa iba nalang kaya." suhestiyon, ko.
"Ayaw," aniya. Nakasimangot pa ito at nakapag cross arms.
Isang pilit ko pa nito iiyak na talaga to, pagtitinginan kami ng mga tao. Baka, isipin nila inaaway namin ito.
"Sige na teh, gutom na rin ako eh. Tara?" Nalilito man, wala na rin akong magawa ng umuna na silang pumasok.
"Pwede naman tayong kumain sa Jollibee o di kaya mang-inasal sikat na fast food yun dito sa Pilipinas." Suhestiyon ko ulit sa kanila. Matigas talaga ang ulo nitong dalawa. Umupo na sila at tinawag yung waitress kahit hindi pa ako nakaupo.
Sana masarap pagkain dito. Hindi ako umurder at hinayaan nalang na sila na ang oorder ng pagkain. Hindi ko naman naiintindihan yung mga pagkain na andoon kase walang picture.
Habang naghihintay ng pagkain, lumingon ako sa palikid. Ang ganda ng ambiance ng resto na ito. Ngayon ko lang ito nakita dito. Malinis at marami ring tao pumarito.
"Ano nga pangalan mo ulit?" Tanong ko sa batang babae.
"Freya po." Tipid na sagot nito. Binalik naman nito ang tingin sa cellphone. May kung an-ano siyang tinitipa doon.
"Taray ahh. Libre mo kami Frey? Ikaw lang kase umorder ehh."
"Opo. Tsaka, may kasama pa po tayong isa, papunta na rin po." Aniya. Sumagot siya ng hindi nakatingin sa amin. "May nakalimutan pa pala ako." Akmang aalis na sana siya ng pigilan siya ni insan.
"May bibilhin kapa ba? Ako nalang ang bibili, baka tatakasan mo pa kami. Wala kaming pambayad sa pagkain na inorder mo."
Doon lang ako napa-isip. Hindi pa pala namin masyadong kilala ang batang ito, tapos basta-basta nalang namin ito sinamahan dito.
"Ah, sige po. Kung ok lang po sa inyo. Papabili po sana ako ng cake po. Yung black forest sa red ribbon po."
"Alam ko 'yun kaya akin na ang bayad."
Binigay naman nimo ang one thousand. Nanlaki ang mata namin ni bakla, ke babata pa nito ang dami ng pera.
Pag-abot nun kay bakla, umalis na ito sa table namin.
Pagkaalis lang ni bakla, dumating naman yung in-order ni Freya. Ang bilis namang maluto to.
"A-Ang dami naman?" Gulat kong sambit.
"Gutom po kase ako ehh." Ngumiti lang sakin to ang kinuha yung cellphone niya sa bag. Kinuhanan niya iyon ng litrato. Pagkatapos niya. Saka lang siya ngumiti at kumaway sa kung saan.
Lumingon ako kung saan siya nakatingin.
Laking gulat ko sa lalaking dahan-dahang papalapit sa akin. Nawala ang ingay sa paligid. Nakatuon lang ang paningin ko sa lalaking simple kong manamit. Kahit nakakunot ang mga noo nito, sa mga mata naman niya ay sa akin nakatitig.
How is it possible? Parang may kung anong paruparu ulit sa tiyan ko, na dati ay kay Francis ko lang naramdaman ito...