Hindi ako makatulog. Palagi kong inaalala ang pwedeng mangyari. Madaling araw na siguro pero nakamulat pa rin ang isip ko kahit na nakapikit ang mga mata ko. Tumunog ang cellphone ni Jordan. Akmang mumulat ako upang tignan kung sino ang tumatawag ng bigla kong maramdaman ang pag alon ng kama, tanda na bumangon si Jordan. Nanatili akong nakapikit at pinakikiramdaman ang paligid. Ilang segundo ang bumalot na katahimikan bago muling umalon ang kama. Iminulat ko ng maliit ang aking mata upang tignan si Jordan. He only wearing his boxer short. Nakatalikod ito habang nasa pinto ng kwarto at nakadikit ang cellphone sa kanyang tenga. Umikot ako ng higa. patalikod sa direksyon ni Jordan. "Jessa bakit?" Jessa? Ito ba yung kapatid niya? Nabanggit kasi sa akin ni Jordan noon na may kapatid siyang

