Amelia "ma'am Amelia punta po kayo sa kasal ko ha!." Mula sa pag la-lay out ng bagong design na gown para sa Isang debut ay umangat ang aking paningin. Nakatayo sa harapan ko si Nica. Humihimas-himas ito sa umbok nitong tiyan. Nica is eight months pregnant but she doesn't want to take a leave. Kaya pa naman daw nitong mag trabaho. Ika nga niya buntis lang siya at hindi baldado. Hindi ko naman ito mapilit na mag leave dahil alam kong hindi din ito papayag. Tyaka kailangan niya daw ng pera para sa panganganak. "Mukhang bongga ang handaan at kasal ahh!" Biglang sumingit si Mirna. Isa din ito sa mga kasama ko sa shop. Bali silang dalawa ni Nica ang mga tauhan ko dito. Bitbit nito ang basurahan. "Konting handaan lang naman yun. Salo-salo lang ng pamilya at mga kaibigan. Medyo tipid sa budg

