Cleo
*
*
" Are you serious? " Tanong ni Kyle malapit na kasi ako manganak kaya sinabi ko na Dito nalang kami sa probinsya may hospital naman dito. Nag-aalala kasi si Kyle sa kalagayan ko
" Ilang oras ako sa Trabaho minsan maghapon minsan magdamag akong wala." Nag-aalala na wika ni Kyle habang hinaplos ang tummy ko
" Okay lang. Papupuntahin ko naman ang parents ko Sila ang mag-aalaga saamin habang wala ka. " Nakangiti na wika ko
" Sige! Basta pag kailangan mo ng tulong tawagan mo agad ako." Nag-aalala parin tugon niya
Simula ng magtalo kami ng two months ago Naging sweet at Maalaga na si Kyle. Hindi na niya binabanggit ang tungkol sa pagiging criminal ko. Wala naman akong kaso malinis ang pangalan ko. Hindi magsasampa ng kaso ang mga pamilya ng napatay ko sa dahilan na mas lalo nila ilalagay ang kanilang pangalan sa kahihiyan at kapahamakan.
" Do you still love him?" Tanong ni Kyle
" No! I don't love him. " Tugon ko palagi siya nagtatanong kung mahal ko pa si Gideon
Pagdating sa kaibigan niya grabe kung magselos banggitin ko lang pangalan ni Gideon nagwawala na siya sa galit. Kaya alam ko ang gagawin ko sa oras na magkahiwalay kami.
" Kilan tayo magpakasal? Diba may nakahanda kana n--
" Saka na pag Mahal na natin ang isat-isa." Putol ko sasabihin ni Kyle
" Bakit? Hindi mo pa ba ako mahal?" Parang bata na tanong ni Kyle
" Gusto kita pero hindi ko alam kung mahal kita. Basta masaya naman ako na kasama ka. Wala naman magbabago kahit na hindi kita mahal naging mabuti naman ako sayo." Mahabang paliwanag ko
" Ano naman ang magustohan mo saakin?" Tanong ni Kyle
" Dak's, Yummy, Gwapo, Matangkad, Matigas ang Abs. Mahaba dila mo." Tugon ko habang nakangiti
" What the heck!. What you feel for me is desire. " Naiinis na reklamo niya
" You know that desire also leads to love. " Mapang-akit na Tugon ko
Dahan-dahan siya tumayo sa pagkakaluhod sa harapan ko binaba ang dress ko. Hinalikan kasi niya ang Umbok ng Tiyan ko.
Dahan-dahan na inilapit ang mukha sa mukha ko, Pero agad ako umiwas
" Ay nakalimutan ko may Zoom meeting pala ako ngayon." Biglang sambit ko Tumayo ako naiwan si Kyle nakayuko nakanguso parin.
Sapo ko ang Malaking tiyan ko mabigat at ang laki ng tummy ko ang likot din ng kambal sa loob ng sinapupunan ko.
Natigilan ako sa paglalakad bigla kasi sinapo ni Kyle ang tiyan ko
" Mabigat ba?" Tanong nito sa malambing na boses nakadikit pa ang umbok niya sa likod ko
" Oo matigas." Natatawa na wika ko
" Kasalanan mo yan! inakit mo ako Ilang buwan na ako Nagpipigil sobrang Miss na kita. Pero baka makasama sayo saka nalang pag kinasal na tayo. " malambing na tugon ni Kyle inalalayan niya ako papasok sa kwarto ko
" Nagbago na isip ko Hindi na ako magpapakasal sayo. Titikim nalang ako ng mga gwapong lalaki. Subuk---
Hindi ko natapos ang sasabihin ko sinakop niya ang labi ko. halos ayaw niya pakawalan
" Matanda kana para lumandi pa. Kaya Umayos ka swerte mo mas bata ang nakabuntis sayo tapos maghahanap kapa ng iba." Naiinis na wika niya ng pakawalan ng labi ko
Napanganga hindi ako makapaniwala na tinawag niya akong matanda.
Muli niya inangkin ang labi ko. Hindi ako tumugon sobrang sama ng loob ko tinawag niya akong matanda.
" Hey Sorry! Naiinis lang ako sa sinabi mo. Sorry na." malambing na wika niya
Hindi ako umimik parang ang bigat ng dibdib ko hindi ako makakinga ng maayos.
" Matanda pala! Matanda na ako. 30 palang ako mag-31 pa lang tapos swerte ko daw dahil bata ang nakabuntis saakin. Sinusumbatan ba niya ako. " Piping sambit ko
Kahit anong paglalambing ni Kyle hindi na ako umimik hindi ko siya pinapansin
" Baka dumating ang araw na sumbatan niya ako. Baka ipamukha niya na dinukot ko siya kaya niya ako nabuntis. Nakakahiya na nga ang ginawa ko. Nangdukot ako ng mas bata saakin tapos nandito ako pinagsisiksikan ko ang sarili ko. Hindi ko naman siya kailangan Kaya ko buhayin ang mga anak ko. "
" Love! Kausapin mo naman ako. Bakit ka umiiyak? Love sorry na hindi na kit--
" Pasensya na sa kahihiyan na binigay ko sayo. Pasensya na sinira ko ang buhay mo. Don't worry simula ngayon wala ka nang pananagutan saakin. Malaya kana simula ngayon. Isang pagkakamali ang nangyari. Dinukot kita kaya ako nabuntis. Matanda na ako para sayo nakakahiya. Sige na Iwanan mo ako gusto ko mapag-isa." Walang Emosyon putol ko sasabihin niya
" Sorry n--
" Labasssss." Galit na bulyaw ko
Napipilitan na lumabas ng Kwarto si Kyle
Nilock ko ang pinto inilagay ko ang mahahalagang papales ko sa backpack pati mga wallet at cellphone ko nilagay ko sa backpack ko.
" Love! Papasok na ako. Tawagan mo ako pag may kailangan ka." Wika ni Kyle sa labas ng pinto ng kwarto
" Oh C'mon bukas ka nalang maglayas. Suriin ko muna ang camper van. Ano mang oras manganganak kana. Kailangan mo din ng maayos na bahay. Kambal ang pinagbubuntis mo kailangan mona makauwi dito sa bagong bahay mo. Nakahanda na ang mga gamit nyo dito Pati nursery room. " Mahabang paliwanag ni Teddy
Hininga ako ng malalim bago nagsalita napagtanto ko na hindi ako dapat maglayas. Kailangan ko panindigan ang pagkakamali ko.
" Hindi na ako maglalayas dalhin mo nalang dito ang camper van. Kailangan ko yan dito para komportable ang byahe ko kasama ang mga babies ko. " mahinahon na wika ko
" Babies? Kambal ang Anak mo?" Gulat na tanong ni Teddy sa kabilang linya
" Guy's ihanda ang camper van. Magpatawag ng Trabahador magpapagawa tayo ng bahay malapit sa bahay ni Boss. Kambal ang tagapagmana ni Boss. Haha may kambal tayo na aalagaan." Masaya na sigaw ni Teddy
Pinatayan ko siya ng tawag nakalimutan na kasi niya na kausap ako. Napangiti nalang ako
Kailangan ko magtiwala kay Kyle. Kailangan ko makontento kung ano lang ang kaya niyang ibigay saakin
" Siguro dahil sa buntis ako kaya mabuti sumama ng loob ko. mabilis ako magtampo." Sambit ko
Napapakamot ako sa ulo, Dahan-dahan ako naglakad palabas ng Kwarto nagulat pa ako ng bumungad saakin si Kyle
" Tell me Lalayasan mo ako? Iniwan mo ako?" Nagtatampo na tanong niya
Napapakamot ako sa batok hating gabi na pala ngayon wala nang pasok si Kyle Sa susunod na araw pa pasok niya.
Umirap ako tinulak ko siya naglakad ako papunta sa kusina binuksan ko ang ref kumuha ako ng Malamig na tubig nagsalin ako sa baso habang iniinum ko ang tubig biglang nalang humarang si Kyle sa harapan ko
" Bati na tayo. Hindi na kita tatawagin matan---
Bigla ko siya sinipa sa binti dahilan para hindi niya matapos ang sinasabi niya
" Matanda! Matanda pala ako. Sige maghahanap ako ng mas matanda saakin. " Galit na Bulyaw ko
" Hey! Huwag mo gagawin yan." Biglang wika ni Kyle
" Labasssss! Sa labas ka ng bahay matulog." Galit na bulyaw ko
" Pero malamig at malamok sa labas." Reklamo ni Kyle
" Lalabas ka o lalayasan kita?" Galit na tanong ko
" Sabi ko nga. Kukunin ko lang Kumot sa kubo nalang ako matutulog." Mabilis na sagot ni Kyle
Umirap ako naglakad ako papasok sa kwarto nakasunod saakin si Kyle
Nahiga ako sa kama hirap pala magbuntis pati sa pagtulog nahihirapan ako. Pati sa paglalakad para akong pato ang pangit ko kaya nilalait nalang ako ni Kyle
Naramdaman ko ang paghiga ni Kyle sa likuran ko
" Love! Sorry na. " Bulong ni Kyle nagkunwari akong tulog
" Huwag mo ako iiwan baka mabaliw ako pag iniwan mo ako. Nagtratrabaho ako ng maayos para sainyo ng mga anak natin. Binubuo ko ang mga pangarap ko para sainyo Hindi naging maganda ang umpisa natin sana naman bigyan mo ako ng pagkakataon na patunayan sayo na karapat-dapat din ang isang katulad ko. Kahit na mahirap ako. " Malambing na wika ni Kyle
Napangiti nalang ako. Kinabukasan habang nagpapahangin ako sa labas napansin ko naman ang mga kahina-hinala na kalalakihan na dumaan malapit sa bahay namin. Ilang linggo na sila nagmamasid sa bahay
" Kyle, Parang hindi na ligtas ang lugar na to. " Wika ko
" May sinasabi kaba Love?" Tanong ni Kyle
Hindi ako sumagot napansin ko kasi ang baril na nakasuksok sa tagiliran ng dumaan na lalaki
" Hindi ako ligtas dito pero paano ko sasabihin kay Kyle? Kasalukuyang humaharap sa pagsubok ng mafia organization si Leo kaya pati ako nasa panganib ang buhay. Naku naman hindi ako makakatakbo dahil sa ang laki ng tummy ko. Si Teddy kailangan ko siya." Kausap ko sa sarili ko
Napatayo ako natuwa ako ng mapansin ang paparating na campervan sobrang saya ko hinintay ko na makarating ang camper van sa tapat ng bahay agad na bumaba ang tatlong bodyguard's ko
Naiiyak na sinalubong ko sila ng Yakap
" Haha pangit mo Boss." Pang-aasar ni Cosmo
Yakap ako ng tatlo nasa gitna nila ako nang makarinig kami ng pagkasa ng baril
" Stay away from my wife She's fvckin mine." Galit na sigaw ni Kyle
Napataas ng kamay ang tatlo nagtawanan pa ang mga gago na mas lalong kinainis ni Kyle
" Layassss."Galit na bulyaw ni Kyle sa tatlo
" Ibaba mo yang baril mo Kyle. Trabaho nila ang protiktahan ako lalo na malapit na ako manganak ano mang oras. " Mahinahon na wika ko
Nagmamadali na lumapit saakin si Kyle sa harapan ng tatlo sinakop ni Kyle ang labi ko
" You're mine." Mariing wika niya
Napataas kilay nalang ako Inalalayan niya ako papasok sa bahay hanggang sa makarating kami sa kwarto
Mahinahon ko siya kinausap napagtanto ko na kailangan ko umuwi sa bahay Hindi ako ligtas dito.
" Hindi naman sa pagmamaliit sa bahay na to. Kyle pero Kulang ang mga gamit dito mahihirapan din ako dito. Sa bahay mapapanatag ako hindi ako mag-aalala sa kaligtasan ng mga baby natin." Mahinahon na wika ko
Saglit nanatiling tahimik si Kyle
" Itatahid kita, Hindi ako araw-araw makakadalaw sayo. Nandito kasi Trabaho ko, Ipapaayos ko din tong bahay palalakihin ko. Huwag kang papakayap sa kahit na sinong lalaki. " Mahinahon na wika ni Kyle
Huminga ng malalim si Kyle tumingin siya sa malaking Tiyan ko.
" Plano ko ipaayos ang bahay at ibinta. Para makabayad ako sa utang ko sa kaibigan ko. Inutang ko ang binayad ko sa bahay na to. Nagtratrabaho ako online kaya madalas nagkukulong ako sa kabilang kwarto. Plano ko mag resign at mag pukos sa pagiging Engineer ko. Naisip ko mas magbabantayan kita pag nagresign ako. Mas makakaiwas ako sa gulo kailangan ko mag resign alang-alang sayo Cleo. " Malungkot na Paliwanag ni Kyle
Napatakip ako sa aking bibig nagulat ako na Engineer pala si Kyle. Matalino pala siya Akalain mo 28 Year's old palang siya tapos SPO3 na sya at Engineer pa.
" Talaga? Gagawin mo yon para saakin? Alam mo pwede ikaw nalang ang design ng Bahay sa Isla na bigay ni Daddy. Mag-aral ka din ang palipad ng Chopper. Mas makakaikot tayo sa iba't ibang lugar kasama ang mga anak natin. May Yacht na bigay si Mommy pwede tayo magpalipas ng gabi sa laot." Excited na wika ko
Niyakap ako ni Kyle hinalikan niya ako sa Ulo
" Sorry kung nahirapan ka dahil saakin. Napagtanto ko na kailangan ko tanggapin ang lahat-lahat sayo. Hindi na mababago mayaman ka kaysa saakin. Kung magsasama tayo dapat masanay ako sa Mundong ginagalawan mo. Ako ang kailangan makibagay sayo.. Hindi mo kailangan ibaba ang sarili mo para saakin. Aabutin kita kahit na gaano pa katayog ang kinaroroonan mo. " malambing na wika ni Kyle
" Ipapakilala kita sa parents ko. 100% sure ako Magkakasundo kayo ng Daddy ko. " Masaya na tugon ko