Chapter 16 Mistake

1950 Words
CLEO * * " Nakaupo ako ngayon sa Sofa nakatulala ako nasa harapan ko sina Bect, Teddy. " Malaking Insulto ang nagawa mo. Inuwi mo si Kyle sa bahay na pinatayo mo para kay Gideon. " Paninirmon ni Teddy " Nag-umpisahan na ang renovation ng bahay sa resort Ako na ang bahala sa design Tatawagan nalang kita pag natapos. May buyer na ang Farm na to. Private property ang nabili ko kaya makakapag lagay ako ng Mga CCTV sa paligid ng bahay naglalagay din ako ng Bakod paikot sa bahay at Sekretong daanan in case of emergency." Kalmado na Paliwanag ni Beck " Ano pa hinihintay mo? Naka impake na ang mga gamit mo Sundan mo si Kyle Kalimutan mo na si Gideon matinong tao si Kyle. Malinis ang pangalan niya. " Seryoso na utos ni Teddy " Pero hindi ko alam kung saan siya nakatira. Isang buwan na siyang wala eh." Napapakamot sa Ulo na tugon ko " Ngayon mo lang sinabi saamin? Cleo naman! Gusto mo ba talaga ng maayos na buhay? Ang tahimik at semple? Alam ko mahal mo parin si Gideon pero si Kyle ang Ama ng pinagbubuntis mo tatlong buwan na yang Tiyan mo. Hahayaan mo bang lumaki ang anak mo na walang Tatay? " Paninirmon ni Teddy Sakabilang tatlo si Teddy ang kaya akong pagalitan pag nagkamali ako. " Iwan mo ang mamahalin na gamit mo. Raptor ang dalhin mo dadalhin ko din ang Big bike na regalo mo kay Kyle. " Kalmado na Utos ni Teddy " Tama na yan Buntis si Boss." Pagpapakalma ni Beck " Tumayo ka Lumayas ka sundan mo si Kyle. " Pagalit na Utos ni Teddy Wala sa sarili na naglakad ako palabas ng bahay " Seryoso pinalayas ako sa sarili kong bahay ." Hindi pakapaniwala na bulalas ko Nagmaniho ako palayo Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Naisipan ko pumunta sa prisinto kung saan naka duty si Kyle pagkalipas ng 20 minutes nakatanaw lang ako sa prisinto. Hindi ko alam kung lalabas ba ako magtatanong kung saan nakatira si Kyle. Alam ko kasi sa ganitong oras naka duty pa siya 3pm palang ng hapon. Sumandal ako sa upuan ng sasakyan ko nandito ako sa kabilang kalsada nakaparada sa tabi. " Ito ang unang pagkakataon na Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Dati naman mabilis lang para saakin maresolba pag may problema ako pero ngayon nagugulohan ako. Hindi ko namalayan na Farm pala ang lupa na binili ko. Ngayon ko lang napagtanto na pinagawa ko ang bahay ayon sa pangarap ni Gideon para saakin. Akala ko nakalimutan ko na si Gideon. Mahirap Kalimutan ang 12 years kong inasam na makasal sakanya. " Huminga ako ng malalim hinaplos ko ang tummy ko. " Lalayo nalang muna ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Siguro mag long ride nalang ako bahala na kung saan ako pupunta. " kausap ko sa sarili ko Natatawa ko si Kyle nakatanaw siya saakin nakatayo siya sa kabilang kalsada may kausap na matandang lalaki Sumubsob ako sa manibala hindi ko namalayan na umiiyak na ako. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula akala ko okay lang ako masaya ako kasama si Kyle. Pero nabubuhay pala ako na mga pangarap namin ni Gideon ang nasa isipan ko. Napaangat ako ng tingin may narinig kasi ako na kumatok sa pinto ng sasakyan ko Nagpunas ako ng luha inayos ko ang sarili ko si Kyle ang kumakatok " Bakit?" Tanong ko binuksan ko ang pinto ng sasakyan napatingin siya sa mga mata ko. " Okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak?" Nag-aalala na tanong niya Napalingon siya sa dalawang malita sa back seat ko " Sorry! Naabala ba kita? " Tanong ko " Tell me! Saan ka pupunta bakit may malita ka?" Tanong ni Kyle " Ah yan! Wala gamit ko lang yan. Sige napadaan lang ako Sige. Ingat ka palagi Kyle. " Nakangiti na wika ko Binuhay ko ang makina ng sasakyan " Hinawakan ni Kyle ang braso ko muli siya nagtanong " Saan ka pupunta?" Tanong ni Kyle " "I want to be alone. I'm not ready to be with you Kyle, I'll just keep hurting you. I'll probably live far away from everyone, a new place. A new life where no one knows me. Just a quiet and happy life with my future child." Nakayuko na tugon ko Bigla niya ako niyakap " Please don't! May kasalanan din ako. Alam ko hindi mo naman agad-agad makakalimutan ang kaibigan ko siguro nga habang buhay na siya sa puso mo. Pero Sisikapin ko na maging masaya ka saakin. Nasasaktan lang ako napagtanto ko na inuwi mo ako sa bahay na pinatayo mo para sa kaibigan ko samantalang Ako ang kasama mo. " Mahinahon na wika ni Kyle Humiwalay siya sa pagkakayakap saakin " Pinalayas ako ni Teddy. May buyer na ang Farm. " Nakayuko na wika ko " What? Bakit ka nila pinalayas sa sarili mong bahay?" Hindi makapaniwala na tanong ni Kyle " Nalaman nila ang dahilan kung bakit ka umalis. Ayon nagalit sila. " Malungkot na Paliwanag ko " Gusto mo ba sumama sa bahay ko Cleo? Hindi marangya ang bahay ko may dalawang kwarto lang ang isang kwarto ginawa ko work place ko. Kaya iisang kwarto lang tayo matutulog." Mahinahon na tanong ni Kyle Nahihiya na tumango ako niyakap niya ako hinalikan sa Ulo " Dude iuuwi ko muna misis ko. Babalik agad ako." Paalam ni Kyle sa kasamahan niya Umurong ako ng Upo si Kyle ang nagmaniho Sumandal ako sa balikat niya pasemple ko siya inamoy two weeks narin ako walang tulog ng maayos hinahanap ko ang amoy ni Kyle. Hindi ko namalayan nakatulog na ako. Nagising ako sa ingay ng mag-usap-usap Dahan-dahan ako nagmulat ng mata napansin ko ang Kwarto sa Hindi naman kalalakihan ang Kwarto may dalawang cabinet at may malaking bintana may tukador sa pagitan ng pinto at banyo may upuan din sa harapan ng tukador may sofa malapit sa bintana. Bumaba ako sa kama napansin ko na nakasuot na ako ng pajamas at oversized shirt. Dumungaw ako sa bintana napakunot noo ako gabi na pala kainuman ni Kyle si Teddy nasa labas sila ng bahay may maliit na table at may beer sa table " Pasensyahan mo na si Cleo. Sa totoo lang walang deriksyon ang buhay ng isang yan. Kaming mga kaibigan lang niya ang dahilan kung bakit siya nagiging masaya sa araw-araw. Iwan ko ba sa babaeng yan halos patayin na niya ang kanyang sarili sa pagod. ngayon lang yan tumigil sa Trabaho na nagdadalang tao. Akalain mo napagsasabay niya ang pagiging business woman at pagiging doctor. At maraming pang ginagawa pag may bakanting oras. Ang lagi niya sinasabi wala siyang dahilan para mabuhay. " Seryoso na wika ni Teddy " Bakit Naman? Mayaman siya nasa kanya na ang lahat Bakit nagtratrabaho pa siya?" Tanong ni Kyle " Iwan! Wala nang kabubay-buhay ang taong yan kahit noon pa. Sa likod ng pagiging masayahin nya parang may kulang sa kanyang pagkatao. Nagbago lang ang kanyang buhay ng napulot niya kaming magkakapatid. Ulilang lubos kami palaboy at nagnanakaw para lang may panglaman t'yan. Pinag-aaralan niya kami itinuring pamilya. Kaya hangad namin ang kanyang kaligtasan at kaligayahan. " Seryoso na tugon ni Teddy " Oo nga no? Ano ang pangarap ko sa buhay? Lagi kong hinahangad ang magkaroon ng saysay ang buhay ko. Ang mga pinsan ko masaya sa kanilang buhay kasama ang kanilang Asawa at mga anak samantalang ako. Hindi ko alam kung ano ang kulang saakin. " piping sambit ko " Gusto kodin ng sariling pamilya. Gusto ko din ng may nagmamahal saakin ang kasama sa hirap at ginhawa. Tulad ng mga pinsan ko tinanggap sila ng napangasawa nila kahit na mamatay tao sila. Ako kaya matatanggap ni Kyle. Aalis nalang ako sa Oras na kamuhian ako ni Kyle. Lalayo nalang ako at Kakalimutan ang lahat-lahat. " Piping sambit ko Dahan-dahan ko sinarado ang bintana " Yes Daddy." Bungad na sagot ko sa tawag ni Daddy " Kumusta ka? Pwede mo nang tirhan ang private island nasa pangalan mo na yon. Ibibigay ko din sayo ang Chopper tawagan mo nalang ang Pilot natin. " Magiliw na wika ni Daddy " Talaga Dad? Tamang-tama may Uuwian ako sa oras na mabigo ako sa kalokohan ko ngayon. " Masaya na wika ko " Hinanda ko ang isla para sayo. Pulis ang nakabuntis sayo kaya maaaring hindi ka niya matanggap sa Oras na malaman niya ang Sekreto ng Angkan natin. Wala kang kasalanan Hindi natin hawak ang mangyayari sa hinaharap. Walang nakakaalam sa isla bukod sa aming ng Mommy mo at Kakambal mo. Sinadya ko e sikreto ang isla para may pupuntahan ka sa Oras na nasa panganib ang buhay mo. May Yacht din na regalo ang Mommy mo. " Mahinahon na wika ni Daddy " Salamat Dad! Pangako Sisikapin ko maging masaya. " Naiiyak na tugon ko " Lagi mong tatandaan mahal ka namin ng Mommy mo. Ingatan mo ang Kambal sa sinapupunan mo. Alalahanin mo dalawa yan kaya kailangan mo Alagaan mabuti ang iyong sarili." Malambing na wika ni Daddy Napangiti ako binaba ko ang cellphone sa kama hinaplos ko ang impis na tummy ko nalaman ko kahapon na kambal ang pinagbubuntis ko. Hindi pa alam ni Kyle Hindi naman siya nagtanong wala din ako balak Sabihin lalo pa at Hindi naman niya ako sinamahan sa pagpa check up. " Sige salamat dude. welcome ka dito kahit anong oras. " narinig ko na wika ni Kyle Si Daddy at Mommy lang nag nakakaalam na kambal ang pinagbubuntis ko kahit sina Teddy walang alam. Complicated ang setwasyon ko ngayon kaya Pinili ko nalang ilihim. Napalingon ako sa bumukas na pinto. Iniluwa niyon si Kyle naglakad palapit saakin Nakatitig lang kami sa Isat-isa Pagdating niya sa harapan ko bigla siya lumuhod hinalikan ang tummy " I'm Here Baby. Don't worry alagaan kita. Alalagaan ko ng mabuti ang Mama mo." Kausap niya sa impis na Tiyan ko Tumayo siya nagulat ako bigla niya sinakop ang labi ko. Saglit lamang iyon pero sapat para mapagtanto ko na namiss ko siya Naupo siya sa Tabi ko Niyakap niya ako sumubsob siya sa leeg ko " Alam ko hindi mo ako mahal pero Sisikapin ko na maging masaya ka sa piling ko. Pasensya kana iniwan kita sobrang taas ng pride ko at sobra din ako magselos. Iwan ko ba bakit sobra-sobra ang pagseselos ko pagdating kay Gideon. Alam ko kasi na siya ang Mahal mo na kaya ka nandito dahil sa bata sa sinapupunan mo. Masakit ang katutuhanan na napipilitan ka lang saakin. Sana dumating ang araw na ako naman ang mahalin mo. Tatanggapin kita ng buong-buo. Tanggapin mo tong Sing-sing isuot mo sa Oras na maramdaman mo na Mahal mo na ako. Simbolo yan ng pagmamahal ko sayo." Malambing na wika ni Kyle Napatingin ako sa small red box akmang bubuksan ko pero pinigilan ako ni Kyle " Huwag mo na buksan dahil hindi mo naman ako mahal. Halika kain na tayo alam ko gutom ka. Sabihin mo lang saakin kung may gusto ka kainin." Nakangiti na wika niya Tumayo siya kinuha ang maliit na kahon na hawak ko inilagay niya sa Drawer ng tukador Lumapit siya saakin nakangiti na binuhat ako napatili pa ako sa biglang pagbuhat niya saakin " Kilan mo ako ipapakilala sa kakambal mo?" Tanong niya " Pag tanggap mo na ng buong-buo ang pagkatao ko." Tugon ko " Pwede ko bang malaman ang lihim mo?" Tanong ni Kyle " Gusto mo bang malaman? Handa kabang malaman? Sa oras na Sabihin ko sayo magbabago ang pagtingin mo saakin." Tugon ko " Mamahalin parin kita dahil ikaw ang ina ang anak ko." Nakangiti na tugon niya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD