XLIX. Ilang araw akong hindi nagpakita kila King at Billy after that day. Natatakot kasi ako na bubungangaan nila ako kapag nakita nila ang mga sugat sa mukha ko. Nagpahinga rin naman ako nung mga araw na 'yon at hindi nakapasok sa school at work. I was crying every single night for i don't know how many minutes. I did it. I did kill Bruno Escalante. I killed a human, ni hindi ko naimagine buong buhay ko na magagawa ko iyon. Nung nasaksak ko siya ng bote, hinang-hina na pala siya no'n dahil may mga natamaan sa organs niya at pinipilit lang ang sarili niya para mapatay ako. Kung hindi agad dumating sila Rigo no'n, malamang ay nasaksak niya ako at sabay kaming namatay. Kaya rin pala ako nahanap no'n ay dahil bumalik sila sa house dahil pinahawak nga nga pala sa'kin ni Kieran 'yung walle

