XLIII. Nakapangalumbaba na nakasilip sa bintana ang isang batang babae. Hindi maiwasan na humaba ng kanyang nguso habang pinagmamasdan ang pagbagsak ng ulan. "So mean." Naiinis na sabi niya sa ulan. Ngayong araw ay pupunta dapat ang mga kaibigan niya sa bahay nila ngunit bumuhos ang malakas na ulan kaya hindi natuloy ang mga ito. Ngunit maya-maya ay bigla siyang napatayo nang sunod-sunod na katok ang narinig niya sa pinto. "Papa? Someone's outside!" Sigaw niya ngunit hindi sumagot ang tatay niya. "Monique!" "Monique!" "Monique!" Sigaw ng mga tao sa labas. Biglang nawala ang kunot sa noo ng batang babae. Napalitan ng ngiti ang nanghahaba niyang nguso nang malaman na mga kaibigan niya iyon. Nagmamadali siyang lumapit sa pinto at binuksan 'yon. Walang tigil ang pagtawag sa kanya ng m

