XXXVII. "Mon, you should eat.." Napalingon ako kay Ynna nang bigla syang magsalita. Kadarating lang niya at may hawak siyang paper bags na sa tingin ko ay foods ang laman. "I'm okay.." Sabi ko saka binalik ang tingin kay Mira na nakahiga pa rin sa hospital bed. Limang araw nang natutulog si Mira at limang araw naman akong walang tulog. Natatakot kasi ako na kapag nalingat lang ako saglit ay may mangyari agad na masama sa kanya. Kahit nga pagligo ko ay inaabot lang ng limang minuto, pati pag-ihi ko ay minamadali ko pa. Natatakot lang ako. Si Mira na lang kasi ang meron ako. "Just eat, Mon. Kahit konti lang, paano mo mababantayan si Mira kung hindi mo iingatan ang sarili mo?" Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Tama naman siya nya pero wala talaga akong gana kumain. Sino ba naman maka

