XXXIX. "Wala po bang sinabi 'yung doctor kung gaano katagal matutulog si Miracle?" Napalingon ako sa mga kaibigan ni Mira na nakaupo sa gilid ng kama niya. Nandito silang apat sa hospital, tulad ng sinabi nila ay halos araw-araw silang nandito. Halos hindi na nga ako kumikilos kapag nandito sila, sila bumibili ng pagkain, naghahanda, nag-aayos. Mababait ang mga kaibigan ni Mira, ang swerte niya. "Hmm. Mira's okay naman daw kaya walang dapat ipag-alala, just wait na lang daw.." I sighed. "As long as she won't leave me, it's okay for me. Atleast nandito siya sa tabi ko." Nagbuntong-hininga sila. "We miss her kalokohan." Napatitig na lang ako sa kanilang apat. Nakatingin lang sila kay Mira habang kinakausap ito paminsan-minsan kahit alam naman nilang hindi sasagot. Magkukwento sila ng n

