XXXV. I haven't seen King since last week. Hindi ko alam kung ano nang mangyayari sa club ko kung saan trainer ko siya, basta ang alam ko ay ayoko siyang makita. Medyo naiinis na nga ako sa sarili ko dahil pati ang mga kaibigan niya ay dinadamay ko. Alam ko sa sarili ko na hindi na kami nag uusap ni Rigo ngayon, pero hindi tulad dati na i am trying—ngayon ay mas gusto ko nang naging gano'n siya. Atleast ay hindi na ako nahihirapan na layuan siya. "Are you umm... mad at him?" Tanong ni Ynna sa tabi ko, sinundan ko ng tingin ang nginunguso niya kaya namataan ko ang tao na ilang araw ko nang hindi nakikita. Hindi ako nakasagot. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako ng matagal sa kaliwang bahagi ng mukha niya. Nakaupo siya sa isang bench sa waiting area at mag isa, he's crossing his

