XIX. Mabilis akong napakurap at agad na tinulak si King palayo, tumayo ako para tumalikod sa kanya at saka tinapik-tapik ang aking pisngi. Ano bang sinasabi niya? "Stop mumbling." Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig ang inis na boses ni King sa likod ko kaya huminga ako ng malalim bago humarap sa kanya. "O-okay!" Nakataas ang kilay na sabi ko. "But remember na you're my alipin pa rin!" Ngumuso siya. "Alright." Kinagat ko ang aking labi at hinawi ang buhok ko, tumango ako at humalukipkip. "Prepare some juice for me." "What the f**k?" Pinanlakihan ko sya ng mata dahil sa pagmumura nya. "Sinabi ko sayo, don't say badwords." "How can i watch my words? Take my f*****g eyeballs out and turn them around?" Namilog ang mata ko. "Pinipilosopo mo ba ako, King Cadwell?" Tumaas ang kanyan

