XVII. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig na naramdaman ko, nakasuot ako ng sweater pero nakakaramdam pa rin ako ng lamig. Gabi na at malakas ang hangin, rinig na rinig ang tunog ng falls at sobrang dilim na sa paligid. Walang kuryente dito kaya gumawa ng bonfire ang iba para may konting liwanag dahil kung wala ay wala talaga kaming makikita dahil literal na walang ilaw kahit ano. Nagbuntong-hininga ako nang marinig ang kwentuhan ng mga estudyante sa likod ko. Pinag uusapan nila ang kaibigan nila na bigla na lang daw umuwi at nawala kanina nung nasa survival shooting kami. Ang hindi nila alam ay patay na ito. Narinig ko ang usapan ng mga prof kanina nung nag banyo ako, sabi nila ay nakita daw ang katawan ni Lance Diaz sa mapunong parte ng survival field. Hindi nila masabi sa mga e

