LV. Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay tumaas na agad ang kilay ni King pagkakita niya sa'kin. "Goodmorning!" Maligayang sabi ko. Pinasadahan niya ako ng tingin kaya nginitian ko siya ng mayabang. "What? Naligo ako ng maaga!" Natuto na ko. Maaga akong gumigising para maaga akong makaligo dahil inaraw-araw niya naman talaga ang pagpunta dito para sabay kaming mag breakfast. "Let's bake a cake today, please." Sabi ko. "Do you know how to?" "Hmm, i'll try.." Humalukipkip siya. "You'll try?" Tumango ako. Kagabi pa lang ay nag research na ako ng mga videos ng mga nagbi-bake ng cake. Tutal ay may kasama naman ako sa pag-prepare, cake na ang gusto kong gawin. Tsaka, he knows how to cook kaya! He can help me. Hinila ko ulit siya palabas ng bahay kaya tinatamad na sumunod siya. "Let's bu

