-Katrina’s POV- Naging mahirap para sa akin ang mga sumunod na araw matapos kong magdesisyong huwag nang bumalik sa Australia. Araw-araw akong nakatutok sa laptop, naghahanap ng mga trabaho online at umaasang makakakuha ng sapat na clients para matustusan ang mga pangangailangan namin ng baby kong nasa tiyan pa lang. Sa kabutihang-palad, hindi naman ako nahirapang makakuha ng ilang architectural projects dahil isa akong licensed architect. May mga taong kumukuha ng serbisyo ko para sa paggawa ng floor plans, house designs, 3D models, at iba pang architectural work. Iyon nga lang, hindi permanente ang mga trabahong nakukuha ko. Kapag may project, may kita. Kapag walang project, wala rin akong aasahan. Kaya hindi ko kailanman alam kung magkano ang kikitain ko sa susunod na linggo o kung

