-Katrina’s POV- Isang buwan na lang. Isang buwan na lang at makakauwi na ako sa Pilipinas. Magdadalawang taon na ang nakalipas mula nang iwan ko si Kayden sa pangangalaga ni Jackie at pumunta ako dito sa Australia para magtrabaho. Halos dalawang taon kong tiniis ang pangungulila, ang mga video call na hindi sapat para mapawi ang pananabik ko, at ang mga gabing yakap ko lamang ang unan habang iniisip kung gaano na kalaki ang anak ko. Kaya naman nang malaman kong malapit na matapos ang inaakala kong dalawang taong kontrata ko, halos hindi ko na mapigilan ang excitement ko. Makakauwi na rin ako sa wakas at makikita ko na ulit si Kayden. Makakasama ko na rin siya araw-araw. At sa pagkakataong ito, hindi na sa screen lang. Kaya ngayong hapon bago umuwi, nagpunta ako sa HR department para

