Umiiyak akong pumasok ng aming kwarto at madabog na sinara ang pinto. I rolled my eyes din.
Tsk! Ganyan naman sila lagi. Mga kj!
"Argghhh kainis naman!" Sigaw ko at padapang binagsak ang katawan sa kama.
Nagkulong lang ako sa kwarto dahil sa sama ng loob, pinapalabas nga ako kanina pero di ako nakinig. Nakakairita na nga kasi di ako tinitigilan ng makulit kong kapatid kaya ni-lock ko ang pintuan.
Hmp! Bahala sila diyan.
Habang nagmumukmok hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Zzzzzzzzzzzz
Umiiyak ako habang nakaupo sa isang bench nang may nag abot sa akin ng panyo. Tiningila ko ang taong iyon ng may mga luha pa sa mga mata ngunit bigla akong natigilan ng makita ang taong nakatayo sa harapan ko.
"T-taehyung?" Gulat kong sambit na nanlalaki pa ang mga mata. Ginalaw niya ang kamay niya palapit sa akin na sinasabing kunin ko ang panyo. Kinuha ko naman ito at agad ipinunas sa mga luha.
Gagi nakakahiya!
Bigla naman itong umupo sa tabi ko kaya napatigil ako sa pagpunas ng mata at tumingin sa kanya. Medyo napausog din ako ng konti sa gulat. Pero natawa lang siya sa naging reaction ko.
"Ay! Kilala mo agad ako?" Sabi niya at kumamot pa ng ulo.
May kuto ka beh? Charr.
"Luhh malamang po. Sikat ka kaya. Isa sa member ng BTS ba." Mahina kong saad sa kanya. Tumawa lang ulit siya bilang sagot.
Naol. Happy pill mo ako noh? Haha char ulit.
"Ay oo nga pala hahah mianhae! Ikaw? What's your name crying lady? Unfair naman kasi kung ikaw lang may alam ng pangalan ko, diba?" Nakangising sabi niya habang tinaas baba pa ang kilay.
"I'm krizza po." Nahihiya kong pakilala.
"So , tell me bakit ka umiiyak kanina, Krizza?" Seryusong tanong niya sa akin habang nakatingin derekta sa mata ko.
Ngekk! Tsismoso yarn!!
"Si mommy kasi hindi na daw ako nagtino." Malungkot kong sabi sa kanya.
"Ano ka ba! Magtino ka na kasi para hindi ka pagalitan ng mommy mo." Natatawang sagot niya sa akin. Napatawa na rin tuloy ako dahil sa kanya.
"Alam mo ikaw masyado kang---" tumawa nalang ulit ako.
"Ano? Haha." Natatawang sabi niya.
Umiling lang ako sa kanya.
"Seriously Krizza, you should obey your parents kasi para sa ikabubuti mo naman lahat ng ginagawa nila, kaya sana h'wag kang magalit or sumama man lang ang loob. Pinagsasabihan ka ng mommy mo because she care for you, for your own good. Mahal ka niya kasi." Mahabang sabi niya sa akin habang nakatingin sa malayo.
Tumango ako sa kanya.
"Tama ka, thanks nga pala sa advice mo. Hindi naman talaga ko galit kay mommy, maybe sama ng loob kasi pakiramdam ko, my efforts are not enough na kahit pinipilit kong maging maayos sa mata niya hindi pa rin niya napapansin. I know may mga ginagawa akong ayaw niya pero yun yong nagpapasaya sa akin eh." Mahina kong saad sa kanya.
"Cheer up dear." Ngumiti ito sa akin.
"Ganito na lang para di ka malungkot. We will go somewhere." Anyaya niya sa akin.
"Ha? Where? Saka teka nga. Anong dear? Arabo ka na ba ngayon?" Natatawa kong tanong sa kanya. More on biro lang. Pogi nya kasi mag smile, sarap halikan. Charot.
"Gwapo ko namang arabo" Natatawa niyang sagot at nag pogi sign pa sa harap ko. Tumawa nalang din ako.
"Ano, tara na? Siguradong mag eenjoy ka sa papuntahan natin." Sabi niya sa akin na may pataas baba pa ng kilay. Hinawakan niya din ang kamay ko at hinila patayo.
"Saan tayo pupunta? baka kung saan lang yan, h'wag po bata pa ako!" Lumayo ako sa kanya ng naka-cross sign ang dalawang daliri. Tumawa naman siya ng malakas animo'y tuwang tuwa.
Luhh baliw na ba to si Taehyung?
"Cute mo, Krizza haha" he said with amusement. Napa-kamot nalang ako ng ulo.
Cute daw. Naheheya teley ake. Enebe!
"Wala akong masamang gagawin sayo, Krizza. Trust me, sure akong magugustuhan mo dun kaya tara na?" Nakalahad ang kamay niya sa harapan ko. Nagkibit balikat nalang ako at sumagot ng "okay" tinanggap ko na din ang nakalahad niyang palad.
Omo holding hand na ba this haha.
Tumakbo kami ng magkahawak kamay pero bigla akong napahinto dahilan para huminto din siya nung mapansing palabas na kami ng garden.
"Bakit Krizza?" Nagtatakang tanong niya sa akin.
"Teka, Taehyung oppa. Baka pagkaguluhan ka sa labasan." Nasa garden kasi kami na mukhang private dahil wala namang ibang tao, kung meron man malayo sa amin kaya di kami pansin.
"Hindi yan. I have something here to hide our identity." Turo nito sa dala dalang shoulder bag na ngayon ko lang napansin sa kanya. May kinuha siyang sunglasses, kulay red sa bulsa ng bag niya.
"Here, wear this Krizza." Sabay abot sa'kin ng sunglasses.
"Huh? Bakit sa akin mo binibigay? Dapat ikaw ang magsuot niyan?!" Tinulak ko pabalik sa kanya ang kamay na may hawak na salamin.
"No! Go wear it, Krizza." Pilit pa nito at ibinigay na sa'kin ang sunglasses. Wala na akong nagawa at kinuha na ito pero baka pagka guluhan siya kapag hindi siya nagdisguise.
Ngumiti sa akin si Taehyung, hinawakan na naman ulit ang aking kamay at nagsimula nang maglakad palabas.
Ehe kinikilig na naman ako. Hoo!
"Taehyung wait, wait!" Pigil ko sa kanya. Humarap naman ito sa akin kaya agad kong isinuot sa kanya ang salamin. Natigilan siya dahil sa gulat ngunit nakabawi din naman agad.
Noong andun na kami sa may labasan sinuot nya na rin ang isang football cap, huminto lang kami sa isang tabi dahil may susundo daw sa amin. Maya-maya, bigla na lang siyang pumunta sa aking harapan habang nakangiti. Nagtataka akong tumingin sa kanya ngunit laking gulat ko ng isuot niya sa akin ang isang red sunglasses na kapareho ng sa kanya tapos umakbay sa akin na parang walang nangyari. Mukha tuloy kaming couple sa ayos namin dahil pareho ang salamin tapos yung kulay ng mga suot namin ay parehong black and white.
"Tsansing agad ganun? Taehyung?" Syempre pakipot kunware. Tinanggal ko din ang kamay niya sa balikat ko. Tumawa lang siya bilang sagot at hinila ang wrist ko nang makita na ang parating na kotse. Yan na ata ang susundo sa amin.
After a couple of minutes, nakarating kami sa isang malawak na farm. Kita ko na agad ang mga baka at kabayo mula sa kinatatayuan namin pagkaalis ng kotseng sinakayan namin.
"Anong ginagawa natin dito?" Taka kong tanong sa kanya. "Sasakay tayo sa kabayo" masaya niyang sambit sa akin pero pinigilan ko siya ng anyo nang maglalakad. "Eh hindi naman ako marunong sumakay dyan. Baka mahuloy pa ako" nahihintakutan kong imporma sa kanya. " Don't worry hindi ko hahayaang mahulog ka ok? C'mon I'm sure mageenjoy ka sa gagawin natin" pilit pa niya kaya sumama na lang ako. "Siguraduhin mo lang ha" He just nodded to me then smile as if assuring me that siya ang bahala sa akin.