Chapter 15

1296 Words
NAKAKUNOT ang noo niya ng mabungaran niya ang apat na babae na nakatayo sa paanan ng kama niya ng magmulat siya ng mga mata. "Sino kayo?" humihikab na tanong niya. "Ma'm, Amber. Inutusan po kami para asikasuhin at ayusan po kayo ngayon–" tugon ng isang babae. Mariin siya umiling saka humilata uli. "Labas. Wala ako sa mood." "Pero, Ma'm– kasal nyo po ngayon," sabi pa uli ng babae. Pinaikot niya ang mga mata. Duh? Kasal? As if payag siya. "Nope ! Ayoko. Hindi ako tatayo o lalabas ng kwarto na 'to kaya umalis na kayo." Anong akala ng Cross na 'yon, excited siyang magpakasal rito?! She will never marry that lying and pretentious man! "Layas sabi e ! Labas – !" singhal niya sa apat na babae. Mayamaya laking gulat niya lumuhod ang mga babae. "Ma'm, Amber, pakiusap po. Maawa po kayo samin– pag hindi po namin nagawa ang trabaho namin, mapapahamak po kami," naiiyak na sambit ng mga ito sa kanya. "What do you mean?" takang tanong niya. "Papatayín po kami ni Sir Lucian–" nanginginig na pag amin ng mga ito. Mahinang napamura siya. Damn ! That asshóle ! Naihampas niya ang mga unan saka sumigaw ng malakas dahil nagpupuyos ang kalooban niya. Pinagmasdan niya ang apat na babaeng nakaluhod na nagsisimula nang maiyak sa harapan niya. Napasabunot siya sa buhok. Argh ! Kinalma muna niya ang sarili bago tumayo sa kama. Huminga siya ng malalim. Sinusubukan talaga ni Cross ang pasensya niya. "Fine ! Ayusan nyo na ako," bulalas niya. Kaagad naman kumilos ang mga babae. Tinulungan siya ng mga ito mula sa pagligo sa bathtub hanggang sa maglalagay ng shampoo at maghihilod ng buong katawan niya na para bang hinahanda siya para maging masarap ang pulo't gata nila. Umingos siya. Honeymoon mukha niya ! Inayusan din siya mula sa paglalagay ng light make up hanggang sa pag aayos ng buhok pati na rin ang pagsuot niya ng simpleng white long dress. Pagkalipas ng ilan oras, humarap siya sa whole body mirror. Pinagmasdan niya ang repleksiyon sa salamin. Wala siyang makitang saya sa mga mata niya. Blanko iyon. Wala rin siya makapang kasiyahan sa dibdib, marahil alam niya kasing gagamitin lang siya ng binata para sa sarili nitong kasakiman. Bumukas ang pinto at sumilip roon si Estong o baka si Embong 'di siya sigurado. "Bumaba na raw po kayo, Ma'am Amber–" magalang nito sabi. Pasimpleng tumango lang siya at sumunod rito pababa. Pagdating sa lanai naroon na ang mga bisita, di na siya nagulat ng makita ang apat na kalalakihan na nakilala niya sa casino at ang isang matangkad na gwapong lalaki na sa tingin nya ay foreigner dahil sa blonde na buhok, may hikaw sa kilay at may suot na specs. Nang mapansin siya ng mga ito tumayo ang mga ito. Bumaling siya kay Cross na kanina pa nakatitig sa kanya, inismiran lamang niya ito. Walang dahilan para makipagtitigan sya rito, kung ano man ang nangyari kagabi ay isang katangahan lamang iyon. "Sa wakas – hindi na drawing ang bride mo, matutuloy na rin," nakangising saad ng lalaking naka-specs kay Cross. "Ikasal mo na kami, Cooper – tapos magsilayas na kayo," madiin sabi ni Cross na ikinatawa lang ng mga bisita nito. "Tsk tsk ! Premature ka siguro, mainipin ka e' kulang ka sa pasensya–" pabiro ng lalaking tinawag ni Cross na Cooper. So, ito pala ang magkakasal samin. Hindi halata sa lalaki na isa itong judge. "Kinulang din sa aruga kaya mainitin ang ulo–" kantiyaw din ni Hunter. Sumulyap naman ito sa gawi niya sabay ngiti. "Pakasalan mo na ang TL namin, para 'di na bumalik sa mental 'yan," dugtong pa nito. Tinapunan ni Cross ng tingin si Hunter pero ininda lang ng isa. Habang sina Zephyr, Theron at Ryzen ay tila nagpipigil ng tawa. Muling humarap si Cross kay Cooper sabay hila sa kamay niya upang tumayo sa harap ng lamesa kung nasaan nakatayo rin si Cooper na may hawak na mga papel. "Simulan mo na, Cooper kung ayaw mong malagyan ng butas ang bumbunan mo–" himutok ni Cross. Malakas na tumawa si Cooper ngunit huminto rin. "Pikon ampota ! 'Ge 'ge na start na para makauwi na ko–" Tumikhim muna ito saka sumeryoso ang mukha. Wala pa rin siya imik. Tahimik lang siya mula pa kanina. "Uhm– We welcome and thank you for being part of this important occasion. We are gathered together on this day to witness and celebrate the marriage of Amber Blackwood and Cross Lucian Madrigal," paninimula ni Judge Cooper. Nag alay lang ito ng munting dasal at speech para sa kanilang dalawa ni Cross na 'di niya iniintindi saka pinapapirma na sila sa isang mga papel. Tapos ng pumirma si Cross, siya na ngayon ang pipirma subalit hindi siya kumikilos... ni hawakan ang ballpen ay ayaw niyang gawin. Alam niya na oras na pumirma siya sa papel ay wala ng atrasan o bawian 'yon. Anong klaseng kasal 'to?! Kung noon siguro, magkukumahog siyang magpakasal sa binata pero ngayon... labis labis ang galit na nararamdaman niya para kay Cross. "Amber Blackwood, pirma na–" untag ni Judge Cooper sa kanya. Tumingin siya kay Cross. Hindi niya mabasa kung anong nakikita niya sa mga mata nito. Nasasaktan ba ito? Nagagalit? Well, wala siyang pakialam. Hindi siya papayag na matali sa isang walang kakwenta-kwentang kasal na 'to ! "H-Hindi. A-Ayoko," kahit nanginginig pinilit pa rin niyang nilakasan ang boses saka humarap kay Cross. "N-No. I will not let you ruined my life again. Hindi ako magpapakasal sayo !" bulyaw niya. Kalmadong tumitig si Cross sa kanya at nagpamulsa. Sumenyas ito kina Hunter at Ryzen, mayamaya ay umalis ang dalawa. "I kinda.. of expected you to say no, so I have to do something to get you to agree to marry me," ani ni Cross. Nagtaka siya sa sinabi nito. To do something? Like what? Ano pa bang magiging alas nito para mapa-papayag siyang ikasal rito. Ilan sandali pa ay bumalik na si Hunter at Ryzen. Halos mahindik siya sa gulat nang makita ang kasama ng mga ito. Tulak tulak ni Hunter ang isang wheelchair kung saan naroon nakaupo ang isang nanghihina at tila stroke na matandang lalaki. Pumatak ang mga luha niya. "D-Daddy...." pabulong na bigkas niya. Akma sana niya lalapitan ang Daddy niya ng mabilis na tinutukan ito ng baril ni Ryzen. Napahinto siya. Natulos siya sa kinatatayuan niya habang patuloy ang pagpatak ng mga luha niya. Hindi niya sukat akalain buhay pa ang Daddy niya. Oh God ! "N-No... please.. Don't hurt him–" tila pumipiyok na sambit niya. "Sign the paper first, Amore–" Dagli siyang lumingon kay Cross. Gusto niyang sapakin at murahin ito subalit pinigilan niya ang sarili. "Wag mo sasaktan ang Daddy ko, pakiusap ko sayo," mahinang sabi niya. "Sign the paper first ... at walang mangyayaring masama sa Daddy mo," nakangising turan ni Cross. Nagpunas siya ng basang pisngi bago lumapit kay Judge Cooper na seryosong nakamasid lang sa nangyayari na para bang normal lang 'yon. Labag man sa loob niya subalit hindi niya kayang ipagpalit sa kahit anong bagay ang buhay ng Daddy niya. Wala siyang choice kun'di pikit matang pirmahan ang marriage certificate nila ni Cross. Nang mapirmahan na niya ang mga papel. Pakiramdam niya naubusan siya ng lakas, napaupo siya sa single sofa. Dama niya ang panginginig ng mga tuhod niya. Hindi na niya pinansin ang mga kasama ni Cross na parang may pinag uusapan ang mga ito. Wala na siyang pakialam sa balak ng binata. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay nakita niyang buhay si Daddy. Nilapitan niya si Daddy at bahagyang lumuhod sa harapan ng wheelchair nito. Hinaplos niya ang pisngi nito. "Na miss ... kita, Daddy.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD