AMBER POV PAGBABA niya patungo sa may kusina. Nangunot ang noo niya sa isang pamilyar na bulto na abalang nagluluto. "Manang Ason?" di makapaniwalang bigkas niya. Lumingon naman kaagad ang may edad na babae saka ngumiti sa kanya. "Kumusta na po kayo Lady Amber?" Mabilis siyang lumapit rito at hinawakan ang dalawang kamay nito. "Okay naman po ako. Masaya po akong makita kayo, Manang Ason– pero bakit po narito kayo?" Mahinang natawa si Manang Ason at hinaplos ang buhok niya. "Di ako makapaniwala asawa ka na ngayon ni Lucian– natutuwa rin akong malaman na buhay ang Ama mo." "Kahit ako, Manang– di ko rin akalain na buhay pa pala si Daddy. Buong akala ko, wala na siya, kaya masaya talaga ako na buhay si Daddy." "Hays, napakabuti pa rin ng Diyos," hinaplos din nito ang kanyang mukha. "

