Chapter 6

1359 Words
CALL ME LUCIAN .... PINUKOL niya ng matalim na tingin ang lalaking nakamaskara na nagpakilalang Lucian. Pumailanlang ang malakas na halakhak nito kasabay ang pagkuha ng isang revolver. Nagtatagis ang mga bagang niya habang nakatitig lang rito. "Tsk, I want to play. Are you familiar with the Russian Roulette game?" saad nito. Napamulagat siya nang mapagtanto kung ano klaseng laro ang sinasabi nito. Dagli siyang napalingon kay Cross. Walang kakibo-kibo ang binata. Kalmado lang ito, ni hindi man lang ito nabakasan ng ano man pag aalala o takot ng marinig ang sinabi ng lalaking nakamaskara. Ang Russian Roulette ay nakamamatay na laro kung saan ang isang manlalaro ay maglalagay ng isang bala, sa isang revolver, papaikutin ang cylinder at ilalagay ang muzzle sa ulo o katawan ng kalaban o sa kanilang sarili at kakalabitin ang gatilyo. Kung ang load o bala ay hindi nakahanay pagkalabit ng gatilyo. Mapalad ang manlalaro subalit kung malasin na pagkalabit ng gatilyo ay may balang nakahanay sa bariles ng revolver ito ay pupútok, mamatáy ang manlalaro. Naglagay ng isang kulay ginto na bala ang lalaking nakamaskara, pinaikot ang cylinder ng paulit-ulit na tila tuwang tuwa sa lalaruin hanggang sa huminto ito sabay tutok sa noo ni Cross ang dulo ng revolver. "C-Cross – ! " garalgal na boses niya. Muling bumunghalit ng tawa ang lalaking nakamaskara. "Don't tell me... si Amber Blackwood, may pakialam sa bodyguard niya?" malisyosong tanong nito. Umasim ang mukha niya. "Oras na iputók mo 'yan. Sisiguruhin kong hahabulin kita.. kahit saang purgatóryo ka magtago !" paasik niya at matalim ang tingin rito. "Tsk, tsk, relax ... laro lang 'to." Magsasalita pa sana siya ulit nang magsalita si Cross. "Tatlong subok. Kung hindi puputok ang baril ng tatlong beses, papalayain mo si Lady Amber–" matigas na wika ni Cross. Pinandilatan niya ito ng mata. "Cross ! Ano ba ! That game is insane !" Lumingon sa kanya si Cross. Malamlam ang mga mata saka ngumiti. "Kung ito lang ang paraan para maligtas ka, Lady Amber." "Hell no !" "Gagawin ko ang lahat para mailigtas ka, Lady Amber." Nais niyang mainis sa binata. "At sa tingin mo, papakawalan talaga niya ako basta-basta?!" Isang nakakalokong tawa ang pinakawalan ng lalaking nakamaskara. "This game is interesting, so if he's lucky, I'll let you go. But, if he dies... I'm sorry, Amber." Bago pa siya nakasagot. Kinalabit na nito ang gatilyo, pakiramdam niya huminto ang paghinga niya. Ngunit, nang mapansin walang katinag-tinag pa rin si Cross na nakaluhod pa rin saka lamang siya nakahinga ng maluwag. "Ang dali lang 'di ba?" nang-uuyam na sabi nito, saka muling pinaikot ang cylinder ng revolver. "May lahing pusa yata ang bodyguard mo, siyam siguro ang buhay," kantiyaw nito. She clenched her fist. "I swear to God, I will boil your teeth, invert your rib cage, pour a cement into your ears until you dié," nanggagalaiting sambit niya. Hindi man niya malaman ang kung sino talaga o ano talaga ang totoong mukha sa likod ng Vendetta mask na suot ng lalaki. Hindi siya titigil hangga't di niya ito nakikilala. "Ang sweet sweet mo talaga, Amber Blackwood–" nang aasar na wika nito sabay tinutok uli ang dulo ng revolver sa noo ni Cross. Napalunok siya ng laway. Sa isang iglap, muling kinalabit nito ang gatilyo. Nagtaas baba ang paghinga niya. Never in her enter life, nakaramdam siya ng gano'n kasidhing takot para sa ibang tao. Napatitig siya kay Cross. Walang emosyon ang mukha nito. Bakit walang reaksyon ito? "See? How lucky this idiot is !" sarkastikong hiyaw nito at malakas na sinuntok si Cross. Napasinghap siya ng matumba si Cross sa pagkakaluhod. Hinawakan si Cross ng dalawang lalaki at muling pinaluhod. Dumudugo ang gilid ng labi ni Cross. Nagpupuyos sa galit ang dibdib niya. Naiinis siya dahil wala siyang magawa para sa binata. "One ... last ..time. Tignan natin kung hanggang saan ang swerte mo," binuksan nito ang revolver at naglagay ng isa pang bala saka pinaikot at tinutok sa noo ni Cross. "Dalawang basyo ng bala na 'to. Bilib na talaga ako sa guardian angel mo, pag ito nalampasan mo–" "Mangako ka na oras na manalo ako sa larong 'to. Papakawalan mo si Lady Amber," seryosong sambit ni Cross na ikinatawa ng lalaking nakamaskara. "Mangako? Hmmm," umakto pa itong nag iisip. Nagpalakad lakad pa ito sa harapan nila sabay huminto sa mismong harap niya. "Para mas may thrill... ikaw ang sumalo ng round three, Amber Blackwood–" wika nito at tinutok ang dulo ng revolver sa ulo niya. Nakita niya ang pagbabago sa mukha ni Cross. Nabahala ito. Umigting ang panga ng binata. "Damn yoú ! Ako ang maglalaro not her !" bulalas ni Cross. "Tsk, no, no. Ako ang masusunod dito not YOU !! Fúcker !" ganting sigaw ng lalaking nakamaskara. "Tignan natin, Amber Blackwood, kung gaano katibay ang guardian angel mo..kung meron ka pa ha–" Tumaas ang sulok ng labi niya. "Akala ko pa naman, gusto mo ko?" Natatawang hinaklit nito ang buhok niya upang mapatingala siya. "Right... Gustong gusto kitang patayín, Amber Blackwood. I'm going to destroy you for what you've taken from me." So, may kwentong pang MMK pala yata ito? "Go on. Feel free to kill me," nanghahamon na sambit niya. Mariin nito tinutok ang revolver sa ulo niya at walang pag aatubiling kinalabit ang gatilyo. "Stop ! STOP !!–" hiyaw ni Cross. Walang nangyari. Nakadilat pa rin siya. Umikot ang paningin niya kay Cross na nasa tabi lang niya. Bakas ang takot sa mga mata nito bagama't sumulyap ito sa lalaking nakamaskara. Nag aapoy ang tingin ni Cross. Bago pa makapagsalita uli ang lalaking nakamaskara. Malalakas na putok ng baril ang pumainlanlang sa buong paligid. Sunod sunod na putok hanggang sa hinatak na siya ni Cross. May mga armadong lalaking naka-black suit ang pumasok. Halos mabingi siya sa lakas ng palitan ng putok ng baril. Naramdaman niya ang pagyapos ni Cross sa kanya at paghila nito sa kanya patakbo. Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari. Hindi na niya namalayan ang nagaganap sa paligid. Nakatuon ang utak niya sa mahigpit na pagkakahawak ni Cross sa kamay niya. "Tatakas tayo, Lady Amber–" Napakurap-kurap siya. Doon lang siya tila nagising sa pagkakatulala niya. Nahanap siya ni Daddy ! Sumugod ang mga tauhan ni Daddy para iligtas siya. May humarang sa daanan nila ni Cross. Mga naka-black suit din at may mga hawak na baril. "Nag aantay na si Mr. Blackwood sa sasakyan, Miss Amber." Tumango siya. Magkahawak kamay pa sila ni Cross na lumabas sa lumang warehouse na iyon. Nang mamataan nila ang van na sinasakyan ni Daddy kaagad silang lumapit ni Cross. "D-Daddy !!" Bumukas ang van at iniluwa ang kanyang pinakamamahal na Ama na si Alonzo Blackwood. Patalon na yumakap siya sa kanya Daddy. "Are you hurt, my baby girl?" may pag aalala sa boses ni Daddy. Umiling siya. Ngumiti ang Daddy niya saka hinaplos ang mukha niya. "Let's go, baby girl–" Tinanguan niya si Daddy. Lumingon siya kay Cross na tila nag aabang lamang sa kanila. Hinila niya ang binata papasok sa van. Napansin ng Daddy niya ang pagkakahawak niya sa kamay ni Cross. Matamis siyang ngumiti kay Daddy. "He protected me, Dad." Hindi na lamang kumibo si Daddy bagkus naging blanko ang mukha nito habang siya, kalmado na ang pakiramdam niya. Katabi niya si Cross, hawak hawak pa rin niya ang kamay nito. Sa ganitong paraan, nawawala ang takot at pangambang nararamdaman niya. Mayamaya pa ay may naalala siya, kaya kinuha niya ang atensyon ni Daddy. "Dad?" "Hmm, baby girl?" "Lucian ang pangalan ng lalaking nakamaskara. I'm not sure kung totoong name niya 'yon... but, I want you to find him and bring him to me." "I think, wala na siya, baby girl. Naniniwala akong walang ititirang buhay ang mga tauhan ko." Matigas siyang umiling. "He's a fake. I'm pretty sure, nakatakas na ang totoong nagpakidnap sa'kin." "How sure you are?" "I just know, Dad. He's a sly man." Malakas ang kutob niyang ang totoong naka-Vendetta mask ay nakataas na. Umingos siya. Alam niyang hindi basta basta ito magpapahuli. Its, okay. Who-ever-you-are-Mister-Lucian. I will see you soon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD