CHAPTER 1

2248 Words
Ilang linggo narin ang nakakalipas mula nung nanggaling kami ni Justin sa Maldives, at masasabi kong napaka saya non dahil ginawa ko syang photographer sa lahat ng pinuntahan namin sa Maldives. Magsisimula na ang panibagong school year namin bilang Bussiness Ads Students, gusto ko ng makapag tapos dahil maski ako napapagod na sa mga pinag gagagawa nila, Syempre bilang Istudyante nakakapagod din yung sabay sabay yung kailangan ipasa, itake down notes, projects, practices and so on. Nandito ako ngayon sa terrace ng bahay namin ni Justin, yes live in kami dahil nga mag asawa na kami and yes din iisa lang ang higaan namin. Hindi naman awkward para samin since magkasama kami ni Justin sa iisang bubong doon sa Maldives. Pero! walang nangyare samin, we kissed but hanggang don lang yon, hindi nangyayare ang mga ganap na ganon dahil feeling ko hindi pa sya ready? ay basta ako game ako hahaha. So what I've said kanina na malapit na ulet mag back to school and thank god this is my last year for being a college student, and sana maging maayos sya, yung tipong katulad lang last year na medyo chill pero marami paring ginagawa, alam mo yon? yung feeling mo ang chill ng nangyayare tapos yung iba stress na ang sarap lang tulugan lahat hahaha. Habang nagbabasa ako ng libro ni Nicolas Sparks naramdaman kong may lumapit sakin kaya napatingin ako at tama ang hinala ko na si Justin nga yon dahil pabango palang alam ko na. "Anong ginagawa mo dito? Bat di ka sa loob magbasa? ang dilim na sa labas" Walang emosyong sabi nito. "Wala lang trip ko lang" sabi ko tska ngumiti dito at itinuloy ang pagbabasa. "Let's go inside clarisse, baka magkasakit ka, malamig pa naman dyan. Let's go" sabi nito kaya napanguso ako at walang nagawa kundi ang sundin sya at pumasok sa loob. "Hindi ka pa ba matutulog? It's already ten pm" tanong ko dito "Matutulog ka na ba?" balik na tanong nya kaya umiling ako. "Edi hindi parin" "Eh...Hindi mo hilig mag puyat, sige na matulog ka na" "Hindi na, antayin na kita" "Ang kulit mo naman eh..." pagmamaktol ko "Edi let's sleep" hinila na nya ako papuntang kama kaya naman nag paubaya nalang ako at sumampa narin sa higaan para maka tulog, medyo tinatamaan narim kasi ako ng antok kaya naman tumabi narin ako sakanya sa pag higa. "Good night" sabi nito "Good night din" sagot ko at nagpadaloy sa antok. Nagising ako ng maramdaman kong may naka yakap sakin kaya ng imulat ko ang mga nakita ko ang mahimbing na natutulog na si Justin at ang payapa pa ng tulog nito kaya naman hinaplos ko ng magaan ang pagitan ng kilay nito pababa sa matangos nitong ilong. Sa gwapo ni Justin hindi na ako magtataka kung marami ang nagkakagusto dito na kahit maski bakla eh magkakagusto dito, pero sorry sila dahil hindi na single si Justin dahil kinasal na sya sakin, pero sa loob ng limang bwan ay mawawala narin yon dahil matatapos na ang kontrata naming dalawa. Nalungkot ako ng maalala ko nanaman yung kontrata naming dalawa, hindi ko alam pero nalungkot talaga ako siguro nakakapang hinayang lang or what, basta ganon. "Liking what you've seen?" He ask kaya naman napatingin ako sakanya na medyo malungkot ang mukha pero pinilit ko naman iwala sadyang kinakain lang talaga ako ng lungkot. "Why you look sad?" Tanong nito ng mapansin ang mukha ko. "Wala naman" sabi ko tska nag baba ng mukha pero agad nya rin itong inangat dahilan para magka tinginan kami. "What it is? Tell me" "Wala nga. Tara na kumain na tayo sa baba" pag aaya ko dito tska ako tumayo at salamat sa diyos pinakawalan nya ako kaya naman dumaretsyo na ako sa banyo para maligo muna bago bumaba. Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako ng naka bathrobe lang dahil hindi ko naman dala yung sosootin ko. Dare-daretsyo lang ang lakad ko hanggang makarating sa walking closet namin, ramdam ko ang pagtitig sakin ni Justin pero hindi ko yun pinansin baka pag tumingin ako sakanya bigla napang ako tumumba dahil sa nangangatog kong binti. Nakapag bihis na ako ng isang simpleng t-shirt tska short, ganto lang laging porma ko pag nasa bahay, hindi ko naman kasi tipo ang mag dress, pag may occasion lang tska ako nag sosoot ng dress or what. Nakaupo ako sa vanity mirror ko para mag ayos ng mukha, hindi naman ako mahilig mag ayos skin care lang ba ganon, ayoko ng maraming kolorete sa mukha nangangati ako. Mas okay nayung simple lang pero may ibubuga. Nasa kalagitnaan ako ng pagaayos ng lumabas si Justin at naka towel lang ito sa ibabang bahagi ng katawan nya kaya naman expose na expose ang six packs abs nya na mamasa masa pa. 'jusko lord! bakit nyo ba biniyayaan ng magandang katawan tong lalaking to!?' Nagising ako sa katotohanan ng bigla syang maglakad kaya naman tinuloy ko nalang ang pag aayos ko. Pagkatapos kong mag ayos ay syang labas ni Justin galing sa walkin' namin kaya naman sabay na kaming bumaba para mag almusal dahil alas syete nari n ng umaga at aalis pa kami mamaya ni Justin para bumili ng gamit namin para sa school dahil pasukan na sa monday kaya kailangan ready na kami. Nakapag pa enroll narin kami thanks to our mamshies. "Schedule mo tska mga kakailanganin mo sa bawat subject naka lista na dyan" Abot sakin ni Justin ng dalawang papel pagkatapos naming kumain. "Eh yung sayo?" Tanong ko dito "Pareho tayo ng schedule at walang pinagkaiba, kaya kung ano ang kailangan mo ay kailangan ko rin, gets?" walang emosyon nitong sabi kaya napatango nalang ako. "Anong oras tayo bibili ng kailangan natin?" "After lunch siguro" Sabi nito tska sumalampak sa sopa tska binuhay ang T.V at ng makita ko ang palabas ay naoaayos ako ng upo at itutok doon ang buo kong atensyon. "Favorite ko yan!! wag mong ilipat ah! nandyan yung asawa ko!" Sigaw ko dito, si Bo Gum my loves! omygod! "Tss, nandito sa tabi mo asawa mo wala dyan sa T.V" sabi nito pero umirap nalang ako at hindi sya pinansin. Natapos ang palabas kaya naman tumayo na ako para mag luto ng pananghalian namin, hilig ko ang pag luluto, ito sana kukunin kong kurso kaso ayaw nila mommy kaya napilitan akong mag bussiness ads. Natapos akong magluto ng paborito ni Justin na Adobong Manok at saktong pananghalian narin kaya naman tinawag ko na si Justin para kumain. "Justin, tara na kain na" Sabi ko dito kaya naman tumayo na sya at pinatay yung T.V tska kami sabay na naglakad papuntang dining area. May mga katulong naman kami pero day off kasi nila tuwing friday or sunday kaya naman naiiwan kaming dalawa ni Justin dito, sila mama ang nag suggest non kaya wala kaming magagawa. "Ohoy! Favorite!" Sabi nito at pumalakpak pa akala mo ngayon nalang ulet nakakain. Hinayaan ko nalang at nagsimula na kaming kumain at galit muna kami sa isa't isa dahil kumakain kami, ganon naman lagi ang seremonyas kapag kumakain kami depende nalang kapag family dinner ay talagang mag sasalita at mag sasalita kami. Pagkarating namin sa mall ni Justin ay sabay narin kaming nag punta sa National Book Store para doon bilhin lahat ng kailangan naming dalawa, medyo marami rami din ito kaya sinama namin si kuya edgar family driver namin at si kuya baste na personal bodyguard namin ni Justin para narin hindi mabigatan si Justin sa bibibitbitin nya. "Anong uunahin nating bibilhin?" tanong ni Justin kaya naman tinignan ko yung listahan namin at nangunguna don ang Binder na kakailanganin namin sa lahat ng Subject "Binder para na sa lahat ng subject" "Okay, Let's go" sabi nito at nauna ng maglakad papunta sa section ng mga notebooks dahil paniguradong doon din yun naka lagay. "Ilan neto?" tanong nya "Ahm, Gawin mo ng apat. Just incase" "Okay" Kumuha sya ng apat na binder at iba iba ang disenyo non at talagang nakaka enganyong mag sulat kapag ganto ang makikita mong mga disenyo. Halos maikot namin ang buong National Book Store para sa lahat ng gagamitin namin at napuno namin yung isang cart na dala namin dahil sa dami nito at buti nalang nabili na namin ito lahat kaya naman laking luwag ng hininga ng maka labas kami ng National Book Store dahil ang daming tao! ayaw magsi awatan jusmiyo kung inagahan kasi nila ang pag bili edi sana kokonti nalang ngayon hmp! "Sigurado ka bang kumpleto na ito lahat?" tanong nito dahil nasaakin ang listahan kaya naman pinakita ko sakanya at lahat ito may check. "See? kumpleto na" naka ngiting sabi ko tska naglakad palayo sakanya at naghanap ng makakainan dahil nakakagutom yung pag iikot namin, halos tatlong oras din kaming nag ikot sa loob ng Nationa Book Store para lang mabili lahat ng iyon, pag uwi ko naman sa bahay babalutan ko yung mga kailangan balutan para bukas wala akong gagawin. "Clarisse?" Tawag sakin ng pamilyar na boses at pag lingon ko dito... "Sheena?! Omygod It's you!" Tawag ko dito atska lumapit sakanya "Omygod! Ang tagal nating hindi nagkita, kamusta ka na? and where have you been?" "Well...Nag punta kasi kami ng family ko sa Canada doon kami tumira simula nung umalis kami dito sa philippines" maarteng sagot nito "Ganon?Eh anong ginagawa mo dito? bumalik na kayo?" tanong ko dito "No, ako lang ang bumalik yung other fam ko nag stay na sila don, I came here kasi for my love" "Ah talaga? Sino ba?" Pag iintriga ko dito "Si Ju-" "Ma'am Clarisse!" tawag sakin ni kuya baste kaya napatingin ako sa gawi nya at hindi na nya kasama si Justin at si Kuya Edgar. "Oh kuya Baste bakit po?" "Uuwi na daw po kayo" sabi nito "Ganon ba? Sige Sheena got to go Inaantay narin nila ako eh see you when I see you nalang" pagpapaalam ko dito. "Sige ingat!" Naglakad na ako papuntang Parking lot at ng matagpuan ko ang sasakyan namin ay agad akong sumakay sa back seat dahil doon ang pwesto namin ni Justin dahil ang dalawa naming kasama ay nasa harapan. Pareho kami ni Justin na walang imik habang nasa byahe pauwi at dahil sa pagod ay hindi ko na namalayan na naka tulog pala ako. Naramdaman kong may bumubuhat sakin kaya naman iminulat ko ang isa kong mata para makita kung sino ito at ng makita kong si Justin yon ay ipinikit ko nalang ulet hanggang sa lamunin ako ng antok. Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa balat ko kaya naman pag mulat ko ay pinaka titigan ko na muna ang ulap mula sa veranda ng kwarto namin, ang gandang pag masdan ng ulap na para bang wala kang pinoproblema o itinatago sa ibang tao, mga ibong dumadaan sa ulap na karamihan ay hinihiling na sana ay maging ibon nalang sila para makalaya sa magulong mundo na kanilang ginagalawan, mga dahon na nagliliparan na animoy ano mang oras liliparin na akala mo sayo babagsak pero papuntang ibang direksyon pala ang tungo. Bumangon na ako at nagpuntang Banyo para maligo dahil pasado alas otso narin ng umaga, omygod! first time kong tanghaliin ng gising samantalang naka tulog naman ako sa kotse ng bandang alas syete, ni hindi na nga ako kumain ng hapunan dahil sa himbing ng tulog ko. Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba narin ako para kumain ng agahan dahil paniguradong kahit si Justin ay tapos narin kumain ni hindi manlang ako ginising hmp! "Good morning ma'am clarisse" bati ni ate hilda sakin pagka pasok ko sa kusina "Morning ate hilda, musta po day off nyo kahapon?" "Okay lang naman ho ma'am, naka bonding ko rin ang aking pamilya at naipasyal kahit papaano" "Mabuti naman po kung ganon, ah ate si Justin po?" "Are you looking for me?" biglang pasok ni Justin sa kusina kaya naman nagulat ako. "Anong hinahanap? sino namang maghahanap sayo?" pag dedeny ko "Ahh okay" walang kwentang sagot nito kaya ang sarap bigwasan paminsan minsan eh argh!! "Kayo talagang dalawa minsan sweet minsan kala mo magkaka world war lll, ang gulo nyo, oh sya ikaw ay kumain na at ako ay maglalaba na muna" sabi ni ate hilda "Thank you ate hilda, kumain natin po ba kayo?" tanong ko dito baka kasi hindi pa kumakain tapos mag tatrabaho na agad sya "Aba'y oo kanina pa" "Mabuti naman po, sige po kakain po muna ako" "Sige maiwan na kita riyang bata ka" Iniwan na ako ni ate hilda dahil magtatrabaho na sya at ako naman ay kumakain ng agahan. Pagkatapos kong kumain ay dumaretsyo ako sa kwarto para ayusin yung mga pinamili namin kahapon sa NBS. Si Justin naman ay nasa Sopa lang habang naglalaro ng games sa cellphone nya Inilabas ko ito isa isa tska ko binalutan ang bawat babalutan, sa sobrang dami ay inabot ako ng tanghali at ang mga binti ki namamanhid na dahil ilang oras aking naka upo ni hindi ko nga napansin na mag tatanghali na eh kung hindi lang ako tinawag ni Justin hindi ko mamamalayan. "Kumain ka muna, tutulungan kita pagkatapos" Sabi nito kaya naman tumayo na ako para naman wala na syang sabihin pa, sa hinaba haba ng oras na nag babalot ako tska nya lang naisipan tumulong? Aba naman talaga! Ayoko narin kasi ipagawa tosa katulong dahil may mga tinatrabaho din sila kahit ba binabayaran namin sila, kung kaya ko namang gawin why not? as long as kaya ko hindi ako hihingi ng tulong kahit kanino. To be Continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD