I'm celebrating now with him, so sana mag-enjoy tayong lahat kay masakit ang mga pangyayari. Naisip ko lang paano kung ganito ang mangyari sa atin? Anong mga hakbang ating gagawin, ikaw ba yung basta-basta ang dedisisyon? O nag-iisip mo na bago gumawa ng aksyon? ------------------- Hindi niya alam kung anong mga damdamin ang nasa puso niya ngayon, basta ang gusto lamang niya ngayon 'ay umiyak nang umiyak. Halos hirap na ang paghinga dahil sa patuloy na pagyug-yog ng balikat niya dahil sa sobrang sama ng loob. Pilit na hinanap ang panyo sa loob ng bag dahil wala ito sa bulsa niya, halos di na niya makita ng maayos ang hinanap dahil sa patuloy na pag-agos ng luha niya. "Take this and drink this water." Natigilan siya at nag-aalangan pang i-angat ang ulo niya, unti-unti niyang inangat a

