“YOU CAN COME with us, if you – want to?” offer bigla ni Ela at napatingin din sa kanya si Eli na tila nabigla sa sinabi niya.
“Great! Sure kuya, you can come with us ni Ela. Double dates.”
“Really? Okay lang sa inyo sumama kami ni Eli?’ natutuwa namang tanong pa ni Nhiki.
“Oo naman. Basta ba si kuya ang magbabayad sa lahat di ba, Ela?” biro pa ni King at kinangiti lang din ito ni Ela.
“I’ll get my keys.” seryosong saad pa ni Eli pero sa totoo lang ay nai-excite siyang sumama sa mga ito dahil bukod sa mababantayan niya ang dalawa at makakasama rin niya si Ela pa.
Matapos mabilin ni Eli ang lahat kay Shay, umalis na rin silang apat sa shop at nagtungo sa unang destinasyon na gusto nilang puntahan.
“Oh nice, konti lang din ang tao ngayon kasi weekdays.” saad pa ni King at biglang umakbay kay Ela, sinandya itong gawin sa harapan ng kuya niya para pagselosin kay Ela.
“I’m excited, baby.” pagkapit pa ni Nhiki sa braso ni Eli pero ni hindi niya ito hinahawakan.
“Let’s get inside.” pag-aya na ni Ela sa kanila at pumasok na nga silang apat sa museum.
“Oh wow! I’ve never been here!” komento pa ni Nhiki ng mamangha ng makita ang malaking painting ng Spolarium. “So nice and – huge ah.” para itong bata na namamangha sa mga malalaking paintings sa paligid pero sa totoo lang ay hindi niya ito naiintindihang lahat. “Oh my? Bakit ganyan? Puro p*****n yung paintings?”
Habang tahimik naman ang tatlo na nagtitingin at libot sa lugar, si Ela ay busy sa pagkuha ng litrato sa paligid ng museum. Minsan at kumukuha sila ni King ng pictures ng bawat is o di kaya ay magkasama sila. Humihawalay naman saglit si Eli sa paglibot ng museum at magisang ina-appreciate ang mga ito. Pero sa totoo lang ay sinusundan niya ng tingin kung saan magtutungo sina Ela at King.
“Eli, baby! Wait! Huwag mo ko iwan. Baka mawala ako.” paglapit pa ni Nhiki sa kanya at kapit ulit sa braso niya.
Kahit pa nakahiwalay sina King at Ela kina Eli at Nhiki ay ang mga tingin naman ni Eli ay hindi nahihiwalay sa mga ito. Hindi niya maiwasang hindi masdan o sulyapan ang mga ginagawa nito. Nakikita niyang mukhang nagkakasundo ang dalawa dahil nag-e-enjoy silang magkasama. Hindi naman niya mapigilang hindi mainggit sa bonding dalawa.
“Girl, simplehan mo lang ah. Kanina pa si kuya Eli nakabantay sa atin, lam mo yun?” pasimpleng saad naman din ni King habang tinutukoy ang kuya niyang nasa likuran niya.
Hindi naman kaagad lumingon sa mga ito si Ela pero sumulyap siya at halos atakihin siya dahil saktong nahuli siya ni Eli na nakatingin sa kanila.
“Oh s**t! Nakita niya akong nakatingin sa kanya.” nakangiti pang saad ni Ela para kunwari ay hindi siya nagpapahalata sa mga pinaguusapan nila ni King.
“Told yah! So, does mean di ba? Tumitingin talaga siya sa atin dito.”
“Oo nga bakla, bakit kaya?”
“Well, obviously, binabantayan tayo kaya ikaw umayos ka! Pagselosin natin yang si kuya Eli.”
“Bakit naman siya magseselos di ba?”
“Loka! Mag-intay ka! Mare-realized niya rin yan!”
Kumuha pa ng litrato sina Ela at King na tila ginagaya nila ang mga pustura ng nasa mga paintings at ibang statwa. Nakita ni Eli na nagkakasiya silang dalawa sa ginagawa nila at hindi niya akalaing gusto niyang makisali sa mga ito. Hindi niya akalaing iisipin niyang sana kasama siya sa mga ito ngunit hindi naman din niya gustong makagulo sa bonding dalawa. Ang isa pa ay kasama niya si Nhiki ngayon at dapat dito siya nakatuon pero si Nhiki ay tila walang ibang trip gawin kundi tingnan lang at magtanong ng magtanong sa kanya kung bakit o anong mayroon sa painting at statwang naroon.
Lumipat naman din sila ng museum ng mga preserved na hayop at hindi rin maitago ni Ela ang excitement na makita ang mga ito.
“Wow…” saad lang niya habang nakatingala ng makita ang isang full bone structure ng pinakamalaking buwaya na nahuli sa bansa. Kinunan niya ito ng litrato at pagkababa niya sa camera niya ay kinabigla niya kung sino ang nasa tabi niya.
“That’s amazing.” saad naman ni Eli sa kanya.
Napasamid naman si Ela at iwas ng tingin kaagad sa binata. “Oo nga eh. Nasa taas pa daw yung preserved skin niyan.”
“Really? I never knew you’re also into this kind of stuff.”
“Would that be more surprising kung si Nhiki pa ang ganito?’ sabay pa silang napatingin kay Nhiki na nakadungaw sa mga preserved butterflies at kumukuha ng selfie rito.
Parehas naman silang nangiti at naglakad ng magkasabay patungo sa mga Mollusk na naka-display. Kinukunan ito ni Ela ng litrato at hindi niya inaasahang lumapit rito si Eli kaya napasama ito sa litratong nakuha niya. Minasdan niya ito saglit at kaagad na tinago ang camera niya.
“Hey, wanna go to the upper floor?” paglapit na ni King sa kanila.
Tumungo naman si Ela sa kanya at napatingin pa kay Eli bago sumama kay King. Napasunod lang din ng tingin si Eli sa kanila.
“Uy ah? Nag-c.r lang ako, may moment kaagad kayo ni kuya?” sita pa ni King habang naglalakad sila ni Ela.
“Siya ang lumapit noh. Nagulat na lang ako katabi ko na siya.” Depensa naman ni Ela rito.
Napatingin naman si kanya si King na tila seryoso kaya napatingin lang din ito sa kanya.
“Ay ansaveh? Haba ng hair!” paghawi pa ni King ng buhok ni Ela pero napansin niyang kasunod pala nila sina Eli at Nhiki kaya kaagad niyang hinawi ang buhok ni Ela at sinabit sa tainga nito. Nagtaka naman si Ela na tila nandidiri pero si King yung ngiti ay parang nabibighati kay Ela. “Gaga, nasa likuran sina kuya, kunwari sweet-sweetan di ba?” halos naiipit niyang saad at natawa naman si Ela.
“Kalokohan mo eh noh? Para namang may effect yan sa kuya Eli mo!” sabay paunang lakad naman ni Ela rito.
Napansin nga ito ni Eli at tila natulala ng makita si King na hinawi ang buhok ni Ela papunta sa tainga nito.
“Baby? Baby!” pagtawag pa ni Nhiki kay Eli na tila hindi siya naririnig nito.
“Hmm?” nakatingin pa rin si Eli kina Ela at King sa unahan nila.
“Sabi ko, nagugutom na ako.” tila magmamaktol pa ni Nhiki at nakakapit pa rin sa braso ni Eli.