Bilang isang babae, nakakainggit si Isabelle. Lahat halos nasa kanya na — ganda, talino, klase, pamilya, at higit sa lahat… si Sebastian Fuentanilla. Wala kang itatapon sa kanya. Kumbaga sa buffet, siya 'yung full course meal, habang kaming mga katulad ko, pwedeng maging side dish — kung papalarin.
Lahat gustong maging siya. Lahat gustong kamukha siya. Lahat gustong buhay niya.
Kagaya ko.
Pero ‘wag kayong magkamali — this is not the story of Isabelle Buencamillo.
Ako si Hannah Margarette Salazar, at ang kwento ko ay kwento ng isang babaeng inggit na inggit sa kanya.
Isang babaeng handang gawin ang lahat, kahit ikasira ng pagkatao niya, makamit lang ang isang Sebastian Fuentanilla.
Holy Child University.
Dito ako ngayon, Nagmamaganda sa eskwela habang bitbit ang envelope na puno ng pinag-ipunan kong pera — hindi galing sa marangal na trabaho. Hindi galing sa allowance ng magulang. Pera galing sa katawan ko.
Yes, I am Mystic Margarette — ‘yan ang codename ko sa Club Spoon. Isa akong GRO. Pakawala, malandi, mababa ang tingin ng iba — pero disente pa rin akong manamit kapag wala sa trabaho. Sabi nila, hindi raw ako mukhang p****k sa personal.
Sabi ko naman, "Hindi ko kailangan magmukhang isa para maging isa."
Ang totoo? Hindi naman ako ganito dati. Pero ginawa akong ganito ng mundong puno ng pangarap pero walang oportunidad.
Lumaki akong walang pamilya, walang kinagisnang tahanan. Ang pamilyang meron ako — mga kupas na larawan ng ibang ampon, malamig na kama sa orphanage, at mga mata ng madre na kahit punong-puno ng awa, hindi kayang ibigay ang pag-aaruga ng isang ina.
Natutunan kong lumaban.
Tumakas ako sa bahay-ampunan sa edad na 16.
Naglakad sa init, natulog sa karton, kumain ng tira-tira.
Hanggang sa isang araw, isang bading ang nakakita sa akin — sinabi niyang may puwesto sa isang club sa bayan ng Olongapo kung saan marami ang kano.
Mabilis ang kita. Isang sayaw, isang gabi, isang suot na halos wala. Kapalit: salapi.
At sa mundong wala namang naghain sa akin ng kahit anong pangarap — pumayag ako.
Pero hindi ako basta GRO.
Hindi ako nagbibenta ng katawan.
Client can kiss me, touch me, even moan my name in my ear, but no one gets to enter me. Maniwala ka o hindi — virgin pa rin ako.
At sa kabila ng lahat, doon ako proud.
Pero ano naman ang silbi ng virginity kung wala ka namang dangal? Kung ang pagkatao mo ay nilamon na ng mundong nilakad mo para lang mabuhay?
Ang totoo, kung titignan mo ko, hindi mo iisiping galing ako sa putikan.
Maganda ang katawan ko.
Mahaba ang legs, hubog ang balakang, flat ang tiyan, at bilugan ang dibdib.
Ang mga mata ko — malalim, seductive, laging parang may lihim na kwento.
Sabi nga ng mga parokyano, “May pagka-Angel Locsin na may halong Jessy Mendiola.”
Pero hindi ako maputi. Hindi ako kutis-mayaman.
Ang kulay ko, kulay ng araw at pakikibaka — kayumanggi, pero makinis. Malapit sa kay Andrea Torres, na para sa akin ay mas totoo kaysa sa kutis-porselanang si Isabelle.
Pero kahit pa gano’n, alam kong sa mata ng maraming tao — si Isabelle pa rin ang "ideal girl."
Kaya heto ako ngayon…
Humakbang papasok ng Holy Child University, gusto maranasan at mapansin sa isang mundong hindi nabigay sa akin ng kahit na sino.
Gusto kong mag-umpisang muli hindi bilang p****k.
Gusto kong abutin ang buhay na meron si Isabelle.
At hindi lang ‘yon.
Gusto ko rin si Sebastian.
Oo, tama ang nabasa mo.
Hindi ko siya gusto dahil gwapo siya — kahit totoo 'yon.
Hindi ko siya gusto dahil mayaman siya — kahit hindi rin 'yon masakit sa mata.
Gusto ko siya kasi napakabuti niyang tao. Mapagmahal. Matino. Loyal.
Kumbaga, kung ako ay kadiliman, si Sebastian ang liwanag na hindi ko pa nararanasan.
At ang pinakamasakit?
Hindi ko siya puwedeng mahalin nang hayagan.
Hindi ko puwedeng agawin siya… hindi pa.
Pero kaya kong lumapit. Kaya kong magpanggap.
Kaya kong magpapansin- gumawa ng eksena — bit by bit — until one day…
Ako na ang babaeng dapat niyang piliin.
Weeks before Enrollment
Club Spoon.
Here I am again, leaning on the wall of the smoking area, holding a half-burnt cigarette between my fingers like it’s the only thing grounding me to reality. The cold from the aircon inside the VIP lounge seeps out every time the door swings open, but it doesn’t matter. I’m already numb — sa katawan, sa puso, sa kaluluwa.
I was just booked by another client — rich, wrinkled, married.
He wore gold chains like armor, his belly stretching the limits of his branded shirt. His breath smelled of cigars and imported brandy. He laughed too loud, touched too long.
And me? I smiled like I wanted it. Like I enjoyed the feel of his rough hands on my waist. Like I didn’t want to disappear into thin air.
Gaya nga ng unang nasabi ko, Yes. I am a GRO.
Pakawala.
Walang kwentang babae sa paningin ng lipunan.
Pokpok.
Malandi.
Worthless.
That’s what they call me.
Pero may limitasyon.
Clients can kiss me, make out with me, run their hands across my thighs, pull me close like I belong to them.
But they cannot take me.
Hindi nila ako puwedeng galawin.
Hindi ako nagpapagalaw. Hindi ako nagpapagamit.
Maniwala ka o hindi, virgin pa rin ako.
At doon lang siguro ako nakakapit sa kahit konting dangal na natitira pa sa pagkatao ko.
That, and the dream that one day, hindi lang ako magiging “Mystic Margarette” ng Club Spoon. Magiging ako si Hannah Margarette Salazar — the woman who rose above it all.
Pero malayo pa ako dun.
For now, I’m still here.
Dancing half-naked in front of strangers, playing their fantasy, wearing masks I no longer recognize.
Lumaki ako sa isang bahay-ampunan sa Zambales.
Walang magulang. Walang nakaraang matino.
Ang sabi ng mga madre, iniwan daw ako ng isang matandang babae noong anim na buwang gulang pa lang ako sa labas ng gate. May record daw sila ng pangalan nito, pero kahit kelan hindi ko ginustong hanapin.
Para saan pa? Iniwan na rin naman ako.
Masakit lumaking wala kang tinatawag na "Nanay" o "Tatay."
Habang ang ibang bata ay excited tuwing pasukan kasi may bagong bag, ako'y kinakabahan — baka kulang ang gamit ko. Baka pagtawanan ako.
Habang sila may nag-aabang sa kanila tuwing uwian, ako'y pauwi sa katahimikan ng dormitoryo, kasama ang mga kapwa ampon at malamig na gabing walang yakap.
At some point, natutunan ko na lang tanggapin na wala akong aasahang iba kundi ang sarili ko.
Maging matatag. Maging magaling. Maging maganda.
Pero hindi rin sapat ang pagiging "mabait" sa mundong ganito.
I was 16 when I ran away.
Pagod na akong umiiyak gabi-gabi sa unan. Pagod na akong maging kawawa.
Naglakad ako palabas ng gate ng ampunan na walang dalang kahit anong gamit kundi galit sa dibdib.
Naging palaboy ako. Natulog sa kariton, kumain ng tira sa basurahan, humingi ng limos sa mga dumadaan.
Minsan tinutulungan, minsan sinisigawan, minsan pinandidirihan.
Paano ako nakapasok sa mundong kinagagalawan ko ngayon?
Isang araw, habang nagbebenta ako ng gulay sa palengke, may baklang may mabangong pabango na lumapit sa akin.
“Day, gusto mong kumita ng limpak-limpak?”
Napatingin ako.
Akala ko joke.
Pero totoo pala.
Ipinakilala niya ako sa may-ari ng isang club sa Olongapo.
Sabi nila, "Walang sapilitan. Gusto mo lang sumayaw, go. Kung gusto mong rumampa, mas malaki kita. Pero ikaw ang bahala sa katawan mo."
Sa una, takot ako.
Pero nung unang gabi ko sa entablado, suot ko lang ang fishnet stockings, panty at bra na kulang sa tela,
tumulo ang pawis ko sa kaba, pero kasabay nun ang salapi.
Pera na hindi ko kikitain kahit magtinda ako ng gulay buong buwan.
At mula noon, tuloy-tuloy na.
Doon na nagsimula si Mystic Margarette.
The club's mystery girl.
The one with the soulful eyes, the one client always asks for.
Hindi ako pinakamaganda, pero ako yung hindi mo makakalimutan.
At kahit gano'n pa ako ka-"p****k" sa paningin ng mundo,
may isa akong pangarap.
Hindi para sa yaman. Hindi para sa status.
Kundi para sa pagmamahal.
Pagmamahal na tapat.
Pagmamahal na totoo.
Pagmamahal ni Sebastian Fuentanilla.
Kahit pa alam kong hindi ako karapat-dapat.
Kahit pa alam kong meron nang Isabelle na nandoon sa pedestal na imposibleng maabot.
Pero anong magagawa ko?
Pangarap ko siya. At minsan, ang mga tulad ko… natutong magnakaw ng pangarap.
Bakit ako humantong sa istorya ng dalawa?
Habang nakaupo ako sa lumang upuan ng parlor na parating pinupuntahan ng mga kagaya kong binansagang “p****k”, pinapaliguan ng amoy ng acetone at hairspray, napatigil ako sa pagtingin sa sarili ko sa salamin. Bitbit ko ang pagod ng gabi, habang inaayos ang buhaghag kong buhok. Doon ko narinig ang usapan ng dalawang manikurista sa likod ko—mga chismosa pero matalas ang tenga.
“Day! Si Star Yuzon!” bulalas ni Jessa, habang binubunot ang kuko ng kliyente. “Milyonarya na ang bakla, balita ko nakuha ng isang Corporate Lord! Grabe ‘no? Akalain mong yung kalapating mababa ang lipad, napagtagumpayan pa ang buhay!”
Sumabat si Dulce, sabay irap, “Bakla, hindi alam ng asawa niya na p****k pala siya dati. Nagpanggap na edukada, may dalang pekeng diploma. Etong si tanga raw, kuhang-kuha sa pekeng pagkatao niya. Pero mabait daw si Estrella, kaya go go lang tayo at support ang sister natin.”
Habang pinapakinggan ko ang kwento nila, tahimik akong nag-puff ng yosi, pero sa loob-loob ko’y rumaragasa na ang emosyon. Hindi ko maalis sa isip ang pangalan ni Star Yuzon.
Ako rin… gusto ko nang makaahon sa ganitong buhay.
Gusto ko na ring makatakas sa dilim ng Club Spoon.
Ayoko nang habangbuhay ako dito, paulit-ulit na kinikilala bilang si Mystic Margarette — ang sexy dancer na tanging yabang lang ay ang katawan at sayaw.
Kaya pag-uwi ko, agad akong naupo sa harap ng lumang desktop ko. May naipon na rin naman akong kaunti—enough to at least enroll. I searched for universities. But not just any school—gusto ko yung eskwelahang puro mayayaman ang nag-aaral, baka sakaling doon ako makabingwit ng prinsipe.
And there it was—Holy Child University.
Napakaganda ng website nila, ang ayos ng layout, ang linis tingnan. Pero ang mas tumatak sa akin ay isang litrato—isang magandang dalaga na naka-uniporme ng school nila. Makinis ang balat, maamo ang mukha, mukhang mabango. She stood out among the rest. Curious ako kaya ni-click ko ang profile nya.
Isabelle.
Pangalan pa lang, parang para na siyang prinsesa. Sikat siya sa school nila—sa mga activities, sa mga events, sa mga outreach, lagi siyang bida. May korona pa nga siya sa isang photo. Hinanap ko siya sa social media. Isang daan libong followers? Grabe! Lahat ng post niya punong-puno ng papuri. Halos lumuwa na ang mata ko sa pagkainggit.
Then I saw a comment.
“I love you, my Isabelle.”
Nacurious ako. Sino naman kaya 'to?
I clicked his account and boom!
Sebastian Fuentanilla.
Tall, serious-looking, oozing with charisma. Halos lahat ng litrato niya ay parang cover ng men’s magazine. I searched his name. Fuentanilla—billionaire family pala. Real estate. Resorts. Politika. Lahat ng pangalan sa mundo ng mayayaman, kasama sila.
Doon nagsimula ang lahat.
Simula noon, hindi na sila maalis sa isipan ko.
Kinain ako ng matinding inggit at paghahangad.
Gusto ko ang buhay ni Isabelle. Gusto ko rin ng Sebastian na katulad ng sa kanya.
Gusto ko silang dalawa.
Hindi ko pinili ang landas ni Star Yuzon na gumamit ng pekeng diploma. Hindi. Iba ako. Papasukin ko ang mundo nila, hindi para gayahin sila kundi para agawin kung anong meron sila. I will play it smart. Gagamitin ko ang katawan, ang ganda, at ang utak ko.
Mag-eenroll ako sa Holy Child University.
Hindi ako pupunta doon para matuto—pupunta ako doon para makaakyat.
Magsusungkit ako ng mayamang lalaki.
Kahit ano pa ang ipalit nito.
Kahit masira ko ang buhay ng iba.
Dahil ngayon...
ako na ang bida sa kwento ko.