CHAPTER THIRTY-NINE "Kanina ka pa hinahanap ni ate." bungad sakin ni Sherwin pag-bukas niya ng pinto. "Warren Lim!" napa-kislot ako nung marinig ko ang malakas na pag-tawag sakin ni ate. Mabubungangaan nanaman ako. At heto na, nasa harapan ko na si ate. "Bakit basang basa ka? Nag-dala ka ng payong diba? Asan na? Nakalimutan mo kung san mo nilagay, hindi mo nakita, nawala mo? Atsaka ano yang pasa mo sa mukha? Nakipag-away ka nanaman? Hindi ka na talaga na dala ano?!" Yung payong? Iniwan ko na kay nano. Wala naman na ding sense kung gagamitin ko yun pauwi, basa na rin naman na ko. Yung corn dogs na binili ko? Eto dala ko. Nabasa din kahit naka-plastic, hindi ko na to makakain. Hindi naman niya napansin yung dala ko pati nga yung pasa ko sa mukha, di niya napansin. "Ate.." hindi ko na ka

