CHAPTER SIXTY-SIX "Bakit ngayon ka lang? Anong oras na ha" bungad ni ate sakin pagka-pasok ko palang ng bahay. Dapat kanina pa ko nandito kaso syempre, hinatid ko muna si nano sa kanila. Nag-lakad lang ako pauwi kaya mas natagalan ako. Tinaas ko ang plastic na dala ko atsaka ngumiti ng malapad, "Wag ka ng magalit ate, hindi ko naman kinalimutan tong pinabili mong mangga. Hehe" Napa-hawak ito sa kanyang noo sabay napa-iling, "Kumain ka na nga. Pagkatapos mong kumain, umakyat ka na agad sa kwarto mo at matulog. Hindi pwedeng hindi ka pumasok bukas" "Papasok talaga ako ate kahit pa pigilan ako" sabi ko nalang bago ako lumakad papuntang kusina para kumuha ng makakain. Binilisan ko lang ang pagkain ko. Matapos kong kumain umakyat agad ako sa itaas gaya nga ng sabi ni ate. Pag-pasok ko ng k

