CHAPTER SIXTY-THREE [WARREN's POV] May pasok pa kami bukas pero heto ako, hindi maka-tulog. Mag-aalas dos na ng madaling araw, gising pa din ako. Naka-ilang bilang na ko ng tupa sa utak ko pero hindi pa din ako maka-tulog! Akala ko pa effective yung ganon!? Napa-buntong hininga nalang ako at napa-takip ng unan sa mukha. Bakit ba uminom ako ng kape kanina? Dalawa pa. Bwiset. Gusto ko sanang i-text at maka-puyatan si nano kaso tulog na yun eh. Ayoko naman siyang istorbohin, "Hay. Badtrip!" inis na sigaw ko sabay katok ng tatlong beses sa ulo ko. Sa inis ko ay napa-bangon ako bigla sa kama. Doon nalang muna ako sa baba. Habang pababa ako ng hagdan ay nakita kong bukas ang ilaw sa kusina, 'G-Gising pa kaya si ate?' akmang aakyat na sana ulit ako sa itaas nang matigilan ako nung marinig k

