~Sky~ Nang makarating ako ay agad akong dumiretcho sa bahay nina Gabby. Nakita ko naman si Kuya Gavin sa garahe kaya agad ko siyang tinanong. "Kuya Gavin, si Gabby?" "Oh! Akala ko magkama kayong dalawa? Kanina pa 'yon bihis na bihis, eh. Tinutukso pa nga namin dahil sobrang nagpapaganda sa 'yo," saad naman ni Kuya Gavin. "Hindi, kakarating ko nga lang, eh." napakamot naman ako ng ulo dahil do'n. "Ha? Eh, saan nagpunta 'yon? Gabi na, ah! Sandali tatanungin ko si Mommy baka alam niya, ang akala ko talaga ay magkasama kayo. Naku! Malalagot sa 'kin 'yan kung saan-saan pumupunta." Pumasok na si Kuya Gavin sa loob. Maya-maya lang ay kasama na niya si Tita, "Sky," tawag ni tita sa 'kin. "Yes po tita, hinahanap ko po si Gabby sana," ani ko pa. "Ano? Eh, akala namin ay magkasama kayong dala

