Si Gilliane mismo ang tumawag kay Monica. Mataman niyang pinag-isipan ang naging pasya. She had to know. Hindi sa nagdududa siya sa pag-ibig ni Sebastian. She just wanted to tie some loose ends. Sinabi ni Gilliane kay Sebastian ang plano niyang gawin. Nagpasalamat siya nang hindi siya pinagbawalan ng nobyo. Tinanong pa siya nito kung importante ba talaga iyon sa kanya. Pinagbigyan na siya nang sabihin niyang 'oo'. Hindi na gaanong nagulat si Monica nang magpakilala siya bilang nobya ni Sebastian. "I'm happy he found someone," anang babae sa sinserong tinig. Napagkasunduan nilang magkita sa isang coffee shop na malapit sa ospital na pinagtatrabahuhan ni Monica. Nalaman ni Gilliane na isang taon na palang nakauwi ng Pilipinas ang mag-asawa. Hindi masukat ang kanyang kaligayahan nang

